Chapter 67

12.2K 294 29
                                    

~Chapter 67~

Napakalaki kong tanga para paghinalaan ang bampirang matagal ng naghintay saakin

Hindi ko man lamang binigyan siya ng pagkakataon upang magpaliwanag

Siguro ay tama lang ang mga natanggap kong sampal mula kay Adreana. Tama ang mga sinabi niya saakin dati. Napakakitid ng utak ko

"Young Lord"

Napatingin kami ni Kyran sa bagong dating na si Master Yu

Ang mortal na kumupkop kay Kyran

"May hindi po tayong inaasahang bisita"

Pagkasabi nito ay agad na bumungad sa paningin namin si Adreana habang nasa likuran niya si Dion

"Young lord nakita ko siya sa may tarangkahan kaya't pinapasok ko na" - Dion

Agad na tumakbo palapit saakin si Adreana

Akala ko ay makakatanggap na naman ako ng sampal

Pero laking gulat ko ng lumuhod siya saakin harapan

"Adreana?"

"Freya, bumalik kana sa palasyo. Balikan mo na si Luan" - pagmamakaawa nito

Hindi ako sanay na makitang ganito si Adreana. Ang prinsesa ng mga Dragomir ay isang matapang at palaban na bampira

"Hindi ko alam kong magagawa ko pa iyan Adreana. Wala na akong mukhang maihaharap pa kay Luan matapos ko siyang husgahan at saktan. Hindi niya na ako matatanggap"

"Nagkakamali ka Freya! Baliw na baliw saiyo ang aking kapatid! Tatanggapin ka niya ng paulit ulit kahit ilang beses mo pa siyang itulak palayo at saktan"

"Pero Adreana"

"Freya, mas gugustuhin ni Luan na tapusin ang buhay niya kaysa mabuhay ng wala ka sa tabi niya! Ganun siya katanga at kabaliw saiyo! Pakiusap Freya. Hindi na namin alam ang gagawin. Magpapakamatay siya Freya. Magpapakamatay si Luan"

"A-ano?!"

~~

Halos liparin ko na ang mahabang pasilyo para lamang makarating na agad ako sa kanyang kwarto

Habang papalapit ako sa kanyang kwarto ay lalo akong nanginginig sa lamig dahil sa temperaturang pababa ng pababa habang papalapit ako roon

Ng nasa harapan na ako ng kanyang kwarto at pipihitin na sana ang seradura ay nalaman kong nakalock iyon

At sigurado rin akong natatakpan na ito ng yelo mula sa loob dahil kita mula dito sa labas ang pagyelo ng pintuan

Pinakiramdaman ko ang aking sarili at inalala ang mga itinuro saakin ni Kazarina

Hanggang sa naramdaman ko na ang pagdaloy ng enerhiya sa aking katawan papunta sa aking kamay na nakahawak ngayon sa seradura ng pintuan ni Luan

Di nagtagal ay unti unti ng nalulusaw ang yelo na nasa pintuan dahil sa asul na apoy at nagawa ko na ring pihitin pabukas ang seradura

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now