Chapter 37

13.8K 324 29
                                    

~Chapter 37~


Third Person POV

Isang binata ang matiim na nakatingin sa labas ng bintana ng kanyang kwarto

"Mga walang kwenta naman ang mga ipinadala mo sa Parua"

Isang pang binata ang nakaupo sa isang kulay itim na sofa ang nasa likuran ng lalaki

"Tatlo sa mga magagaling kong ispiya ang ipinadala ko. Kaya papaanong wala ni isa ang nakabalik?" - sambit ng nakatalikod na binata

"Hayaan mo na, dadalo ka naman ata sa pagdiriwang"

"Oo, hindi maaaring mawala ako doon. Bakit ka nga pala naandito?"

Humarap ang lalaki sa kausap nito na nakaupo sa itim na sofa habang may nilalarong kadena

"Upang tiyakin kung tama ba ang nakarating saaking balita mula kay Veron"

"Mula kay Veron? Malamang tama nga ang balitang dinala nya sayo. Hindi magagawang magtraydor ni Veron. Ano ba ang balitang iyon?"

"Hindi pinagagalaw ni Kamahalan ang babaeng nasa propesiya"

"Iyon din ang sinabi nya saakin. Maging ako ay nagtataka"

Isang kulay itim na apoy ang lumabas sa kanyang mga kamay

"Gusto ko pa naman sanang ipakilala sakanya ang aking kapangyarihan"

Mariin itong nakatitig sa itim na bolang apoy

"Ano sa tingin mo ang plano ng Kamahalan?"

"Wala akong ideya. Pero kung ano man iyon. Hindi ntin sya maaaring kwestyunin"

Tumayo ang lalaking kausap nito habang unti untng nawawala ang kadena sa kanyang kamay

"Magkita na lang tayo sa pagdiriwang. Siguraduhin mong pupunta ka. Kung ayaw mong hindi masaksihan ang isang magandang palabas"

Ngisi lang ang isinukli ng binata na ang tanging tugon nya ay nasa kanya lamang isipan

Hinding hindi ako mawawala, hindi ko maaaring hindi makita ang babaeng usap usapan ang natatanging kagandahan



Yael POV

"Bukas na ang pagdiriwang, pupuslit ba tayo?" - Keisler

"Bahala kayo, basta ayoko" - Gretel

"Ayos lang saakin, matagal tagal na akong walang social communication" - Keena

Tumingin naman si Keisler kay Finn

"Wag mo akong tanungin" - Finn

"Anong plano mo Yael?" - Keena

"Pupunta tayo"

"Owh yesss!! Makakakain ako ng marami rami!" - Keisler

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now