Chapter 18

14K 360 10
                                    

~Chapter 18~

Yael POV

"May makakalaban pa ba tayong mga bampira ngayong araw?" - Finn habang isinasandal ang kanyang ulo sa puno

"Shit! ba't parang ang sakit ng mga tinik nya!" - iritang reklamo ni Keisler na nakahawak sa kanyang may sugat sa tiyan

Kakaiba ang pakiramdam ko sa bampirang iyon

Hindi sya basta bastang bampira

Unang una hindi sya tinablan ng kakayahan nila Keisler at Gretel

Pangalawa may kung anong enerhiya akong naramdaman mula sakanya

Pangatlo bakit tila may kahawig sya? Ang kanyang mga mata.. may kapareho ang kanyang mata.. Nakakita na ako ng halos ganoon ring mata..

pare-pareho kaming nakasandal sa puno habang mabagal na naghihilom ang aming mga sugat

"Kamalasan ang dala ng babaeng un!" - Keena

Guardian.. alam kong ang dalawa kanina ay ang sinasabing guardian ng itinakda..

"Gretel ayos ka lang ba?"

Napatingin kami kay Gretel ng magtanong si Keena

Nanatiling nakapako lamng ang knyang paningin sa lupa ng sumagot ito

"B-bkit parang magkahawig sila?"








Aria POV

Naglalakad ako sa hallway ng may makasalubong akong katulong na agad namang tumabi sa daan at yumuko

"Kumain na ba ang baliw kong kapatid?" - tanong ko rito

"Hindi pa po mahal na prinsesa"

"Nasaan sya?"

"Nasa hardin po sya mahal na prinsesa"

Agad ko namang iniwan ang katulong at pumunta sa hardin

Doon ay naabutan ko syang nakatayo habang inaamoy ang hawak nyang rosas

Ang rosas na nag-iisang dala dala nya simula ng bumalik sya rito sa Valhalla. Ang rosas na hindi natutuyo kahit wala sa lupa at walang tubig

"You didn't eat again"

Napalingon sya saakin

"Kahit ang mga ipinapadala ko sayong babaeng bampira ay hindi mo rin iniinuman. The heck! You will die because of a girl! You're doing it again!"

Hindi ito ang unang beses na magkaganito sya ng dahil sa isang babae

"I want to find her. Please Aria let me find her"

"Liro you know I wont allow you"

Hindi ko maaaring pahintulutan ang kanyang kabaliwan. Dahil ito mismo ang papatay sakanya!

"Mas gugustuhin ko pang makuha nalang sya ni Kazarina kaysa makuha sya ni Veronica. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sakanya ni Haden" -Liro na nakatingin lang sa hawak niyang pulang rosas

Alam ko na. Alam ko na kung bakit hinahanap ni Kazarina ang babaeng iyon. Alam ko na kung sino ang babaeng iyon

At sigurado akong papatayin ni Haden ang babaeng iyon pagnakuha nya ito. At tuluyan ng mababaliw ang aking kapatid







Zeyton POV

Pagkalabas namin sa portal ay agad bumungad sa harapan namin ang napakalaking palasyo. Wala itong kulay maliban sa kulay abo

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now