Chapter 15

13.2K 327 6
                                    

~Chapter 15~


IMINULAT ko ang aking mga mata ng marinig ko ang mga huni ng ibon at lagaslas ng mga puno

Bumangon ako mula sa kamang gawa sa kahoy na aking hinihigaan at saka lumapit sa bintana at ito'y binuksan

Di pa naman gaano mataas ang araw. Di pa naman ata ako tinanghali ng paggising

Agad kong tinungo ang pintuan at lumabas. Dahan dahan akong bumaba sa kahoy na hagdanan

Pagkababa ko ay luminga linga ako sa paligid

"Gising ka na pala"


Nakita ko si Finn na nasa tapat ng lamesa habang nakataas ang mga paa sa lamesa at prenteng nakasandal ang likuran sa isang upuan


"Nasaan ang iba?" - tanong ko rito habang naglalakad palapit


"Maaga silang umalis para mag hunting"


Hunting?

Nanatili lamang akong nakatayo habang nakatingin sakanya


"Don't worry. They're just hunting deers in the forest" - sya at saka inilagay sa harapan ko ang isang plato na may laman na parang patatas na nilaga at mga prutas


"Better to eat first"


Umupo naman ako sa isang upuan di kalayuan sakanya


"Ahm. Pwedeng magtanong?"

Lumingon naman sya sa gawi ko

"Nasaan ba tayo ngayon? At ako lang ba ang tao na nasa mundong ito?"


"Nasa isang lugar tayo na nasasakupan ng Parua Abellon. And no, may mga tao naman dito maliban sayo"


Bigla akong nabuhayan sa sinabi nya


"Where are they?"


"Sa bayan"


"Sa bayan?"


"Malapit lapit lang naman un dito. Dun nagaganap ang malakihang kalakalan. Nandoon rin makikita ang mga kauri mo"


"Are they some sort of vendors there?" - nagtataka kong tanong


Tinitigan nya naman ako na nakakunot ang noo


"No. Nasa isa silang bulwagan. Ibenibenta sa mga uhaw na bampira" - balewalang sagot nya


What?! Kung ganon pagkain lamang talaga ang silbi ng mga katulad ko rito??


"Kinukuha sila ng mga arachian mula sa mundo nyo at dinadala dito para ipagbili. Depende sa kung anong gustong gawin sa kanila ng mga nakakabili sa kanila. A slave, their prosti, o pampatid uhaw. Alam mo naman atang sariwang dugo ng tao ang pinakagusto naming mga bampira"


Napalunok ako ng makitang naging pula ang kanyang mga mata habang nakatingin saakin


"Kaya nga nagtataka kami kung ano ang ginagawa mo sa lugar na ito kung hindi naman namin naamoy mula saiyo ang amoy ng mga Arachian. Nakakapagtaka ang iyong biglaang pagdating rito sa mundo namin"


Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon