Chapter 19

13.5K 311 3
                                    

~Chapter 19~

3rd Person POV

Umihip ang hangin sanhi upang sumayaw ang itim na kurtina na nasa magkabila ng pintuang salamin ng veranda

Sa dulo ng veranda ay makikita ang isang binata. Nakasuot ito ng purong itim na kasuotan. Nakapikit ito habang nasa likuran ang mga kamay. Tila pinakikiramdaman ang hangin

Bumukas ang salaming pintuan patungo sa veranda at pumasok doon ang isang babae na nakasuot ng kulay puting saya. Nakapuyod pabilog ang kaniyang itim na buhok at mayroong puting balahibo na nasa itaas na gilid niyon

"Kamahalan" - tawag nito sa binata na nakatalikod sakanya

"Buhay na sya" - sambit ng binata habang nakapikit pa rin ito

"Kung ganoon ay sya nga ang babaeng itinakda" - sambit ng babae

Nagmulat ng mata ang binata at mula sakanyang pwesto ay kitang kita nya ang malawak na mga lupain maging ang ilang matatayog na kaharian. Tanaw na tanaw rin ang mga halaman na walang kulay na napapalibutan ang palasyo na wala ng mga buhay maging ang mga punong wala ng mga dahon at kulay itim at abo na rin na tila napakatatanda na ng mga iyon

Napapalibutan ng napakalungkot at kakaibang atmospera ang buong palasyo kung nasaan nakatayo ang binata kumpara sa mga natatanaw nitong mga kaharian mula sakanyang pwesto

"Mukhang hindi na muling mauuhaw pa sa dugo ang aking kakambal" - sabi nito

nanatili namang nakatayo lang ang babae

"Ang babaeng itinakda ng propesiya ay hindi lamang para ayusin ang dalawang emperyo, kundi itinakda rin sa dalawang puso ng mga walang pusong nilalang" - makahulugang sambit nito

"Kamahalan ano po bang nais nyong gawin ko" - tanong ng babae

Humarap sakanya ang binata

"Wala pa tayong gagawin ngayon Veronica" - sambit nito habang nakatingin sa isang kaharian

"Wala muna sa ngayon"





Kevin POV


"Malapit na ba tayo?" - Miya

Naglalakad kami ngayon. Nasa bayan kami ng Laurania. Ang bayan na nasasakupan noon ng Elafry Vasileio. Sa madaling sabi nasa Light Empire kami

"Oo malapit na"

Kailangan naming maglakad papunta roon dahil hindi kayang direktang gumawa ng portal papunta doon ni Dion. Dahil protektado ang lugar na iyon

Patuloy lamang kaming naglalakad sa madilim na daan na may mga puno at halaman

Karga karga ni Zeyton si Freya na walang malay, si Zane naman ay nasa likuran ko lang na sumusunod habang karga nya naman si Sky. Nasa tabi ko naman si Miya. At sila Kyran at Dion ay nasa pinakalikuran

"Nasaan na ba ang tinutukoy mong lugar Gregory? Napapagod na akong maglakad" - rinig kong reklamo ni Kyran

Gregory.. may pangalan naman ako pero tinatawag nya ako sa apelyedo ko

Sakto naman na natanaw ko na ang mansyon

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon