Chapter 64

10.1K 286 17
                                    

~Chapter 64~


Kyran POV

Tulad ng nakagawain kong gawin ay nakaupo ako ngayon sa sanga ng isang malaking puno habang nakatanaw sa veranda ng kwarto ni Freya

Simula noong napunta kami dito ni Dion ay palagi na akong pumupunta dito upang makita siya na tumitingin sa labas ng kanyang veranda na nakaugalian niyang gawin tuwing gabi. Maliban na lamang ngayon

Dito ko gustong pumwesto dahil mula rin dito ay kitang kita ko ang bawat bintana at balustre ng palasyo kung saan ay nakikita ko siya

Sa mga nagdaang araw ay nagtiis ako sa ganitong gawain.

Lihim na sumusulyap sakanya. Lihim na binabantayan ang bawat kilos niya. Lihim na pinagmamasdan siya mula sa malayo

Nagtiis ako na hindi siya lapitan. Nagtiis ako na hindi siya makausap o mahawakan. Na matagal ko ng gustong gustong gawin

Binigyan ako ng maraming oras noong nasa mundo pa lang kami ng mga mortal. Kung saan ay wala pang Luan.

Pero sinayang ko ang mga pagkakataon na iyon. Pagkakataon na mapasaakin siya.

Nagtiis akong makita siyang nasa mga bisig niya. Ang makitang iinom siya sakanya at ang makitang lumapat ang pangil ni Luan sa kanyang malambot na balat ay lubhang nagbibigay saakin ng labis labis na sakit na ngayon ko lang naranasan

Nagpaubaya ako dahil doon ka masaya. Na sakanya ka masaya. Kaya hinayaan ko na sila

Pero seeing her now being hurt because of him? Not just once but many times.

I will not allow it anymore.

Noong tinanong ako ni Master Yu wala ako noong isinagot. Dahil hindi pa ako sigurado.

Hindi ako iyong tipong nagpapadalos dalos at hinahayaang lamunin ako ng aking emosyon

Pero ngayon. Alam ko na ang sagot sa tanong ni Master Yu.

Handa na ako. Handa na akong kalabanin siya. Handa na akong kalabanin ang tadhana.


Devon POV

Nakita kong tumalon na mula sa puno ung bampirang may pulang buhok

Humarap ito sa bampirang may kulay lilang buhok na naghihintay lamang sakanya habang nasa taas siya ng puno

Ano ba silang dalawa?

Parang hindi naman sila magkaibigan lang.

Mas masasabi ko pang parang alalay lang niya ang bampirang ito.

Palagi na lang kasing nakabuntot sakanya

Naririnig ko pang tinatawag siya nitong young lord

Ilang araw na akong nagmamanman dito sa Parua

Hindi naman gaanong mahirap makapasok dito.

Ang makapasok lamang sa mismong loob ng palasyo ang mahirap.

"Show yourself"

Napakunot noo ako ng magsalita ung Kyran

Hindi naman ata nila ako nakikita

Medyo may kalayuan ang pinagkukublihan ko sa pwesto nila

Nakita kong itinaas niyo ang kaliwang kamay na may hawak na pulang rosas habang nasa bulsa ang isang kamay niya

"Fuck!"

Nabigla ako ng mapuluputan ang kaliwa kong paa ng mga vines ng rosas at itaas ako nito sa ere at dahan dahang inilapit sa pwesto ng dalawang bampirang minamanmanan ko lang kanina

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now