Chapter 24

12.4K 316 6
                                    

~Chapter 24~

Naramdaman ko na may kung anong malamig at malambot na lumalapat saaking leeg. Ramdam ko din na may kung anong mabigat ang nakadagan sa itaas na bahagi ng aking katawan.

Nanatili akong nakapikit, inaalala ang mga nangyari

Then I remember it!

He found me!

unti-unting gumapang ang takot sa aking sistema

I decided to open my eyes. Ang una kong nakita ay ang itim na kisame. Then ibinaba ko ang aking tingin sa kung ano man ang nasa aking leeg. Nagulat ako ng ang makita ko ay kulay abong buhok.

Buhok ng tao? Hindi, isang ulo ng tao. Tao nga ba?

Sandali......... abong kulay ng buhok??

Ang bampirang aking binuhay na naghahanap saakin ay kulay abo ang buhok

Natigilan ako ng maramdaman ko na naman ang malamig at malambot na bagay sa aking leeg. Maging ang kanyang hininga ay nagbibigay kiliti saakin. Nakadagan sya saakin. Nadadaganan nya ang aking dibdib samantalang nkasubsob ang kanyang mukha sa aking leeg

Ang bampirang nasa aking ibabaw. Hindi kaya sya ang hari ng mga bampirang aking binuhay?

Agad ko syang itinulak ngunit di man lang ito natinag. Pero tumigil ito sa kanyang ginagawa.

Itinaas nya ang kanyang mukha upang tagnan ako.

Muli ko na naman nakita ang maganda nyang mata. Ang kulay abo nyang mga mata

"Open your mouth"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya

Di ko alam kung anong nanggyayari saakin ng bigla nlang sumunod ang aking katawan sa sinabi nya

Pagkabuka ko ng aking bibig ay sinipat nya ang aking mga ngipin at tinitignan ang mga iyon

What is he doing?

Nangunot ang knyng noo

"Why I didn't turn you?" - takang tanong nya habng patuloy pa rn sa pagtingin sa aking mga ngipin

Itinulak ko sya, sa pagkakataon ngayon ay nagawa ko ng maitulak sya.

Nahulog sya sa kama.

Ganun ba kalakas ang pagkakatulak ko?

Agad akong bumangon at isiniksik ang sarili sa headboard ng kama.

Agad kong hinablot ang itim na kumot at itinakip iyon saaking katawan ng makita kong sobrang nipis ng suot kong damit!

Hindi na ito ung dati kong damit.
Ang suot ko ngayon ay isang puting napakanipis na kamiseta.
Kitang kita na ang panloob ko dahil sa kanipisan nito.

Sino ang pangahas na nagpalit ng aking damit habang wala akong malay??

tumayo na sya mula sa pagkakahulog nya sa sahig habang sobrang kunot ang kanyang noo.

Pero agad din iyong nawala at napatitig sya saakin at saka ngumisi

"I love your new looks" - sabi nya habang nakangising nakatitig saakin

Anong pinagsasabi nya?

new looks?

Agad akong napatingin sa sarili ko at ang una kong nakita ay ang mahaba kong itim na itim na buhok

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now