Chapter 71

9.8K 269 11
                                    

~Chapter 71~

Hinihingal kami pareho ng maghiwalay ang aming mga labi. Pero nanatiling nakapulupot ang kanyang mga kamay sa aking bewang samantalang nakadilit ang aking mga palad sa kanyang matigas na dibdib

Hahalikan pa sana niya ako ng pigilan ko siya

"Why?"

Nakasimangot nitong tanong

Ngayon ko lang ulit narealize na ang cute niya nga talaga

"I need to go first. Kailangan ko silang balaan Liro"

"Sasamahan kita"

Agad kaming tumalikod pero nabigla kami pareho dahil sa bampirang nasa aming harapan

"Where do you think you two are going?"

Nakasandal si Dike sa may pader na malapit lang saamin habang naka ekis ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib

"You think makakalabas pa kayo dito sa Althalos?"

Agad pumula ang aking mga mata upang sana ay palabasin ang aking kapangyarihan ng sabay kaming nagapos ni Liro ng mga kadena ni Dike sanhi upang pareho kaming bumagsak sa sahig

"Ikulong sila"


Freya POV

Nagising ako ng maramdaman ko ang pag dila ni Sky sa aking mukha

"Uhmm, Sky haha oo gigising na"

Ng iminulat ko ang aking mga mata ay nakita kong naupo siya sa harapan ko and he let out a low growl

Alam kong nagtatampo na si Sky kasi ilang gabi na siyang hindi dito sa kwarto ni Luan natutulog kundi mag isa siyang natutulog sa kwarto ko

Ayaw kasi ni Luan. Kahit man ako ayokong may audience kami kapag... alam niyo na iyon

At oo ginagabi gabi ako ng bampirang yun!

Pero nag iingat kami pareho nitong mga nakaraang araw. Kasi delikado na. Baka mabuntis ako. Hindi pa ito ang tamang panahon para mabuntis ako

Kahit gustong gusto na ni Luan. Pero alam naman naming delikado pa. Baka mapano lang ang magiging anak namin kung sakali

Agad akong tumayo, not minding that I am fully naked

Nakita ko pang nag iwas ng tingin si Sky haha

Pumasok ako sa malaking banyo nitong kwarto namin ni Luan at saka nagbabad saglit sa tub bago nagbihis at lumabas

Pagkalabas ko ay agad akong binati nila Miya at Zeyton

Nasanay na lamang ako na palaging mukha nila ang bubungad saakin tuwing umaga pag lalabas na ako ng kwarto

Bantay sarado nila ako palagi

Kasabay kong naglalakad si Sky na nasa maliit nitong anyo. I like seeing him in that form. Ang cute cute niya! Dinaig niya pa ung mga mamahaling mayroong high breed na mga aso. But I love seeing him when he is in his true form. Mas malaki pa siya ng konti sa lobo ni Grey. At isa pa ang isang buntot niya ay nagiging siyam na buntot

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now