Chapter 40

12.3K 296 0
                                    


Dedicated to @user72554255

~Chapter 40~


Tumaas kami ulit ni Luan dun sa parang entablado pero ngayon ay may dalawang upuan na ang naroroon na malapit lang sa may bungaran ng stage. Katulad ito noong upuang nasa trono ni Luan

Naupo kami roon dalawa

agad namang tumahimik ang paligid. Tumigil sa pagsisiyahan ang mga bisita

Maya maya lang ay biglang nahawi ang daan at may mga bampirang naglalakad sa gitna papunta saamin

Kapwa mga nakamaskara ang mga ito na kalahati lang na mukha ang natatakpan

Their aura is shouting power and authority

Lahat ng dadaanan nila ay kusang yumuyuko

Nakataas noo ang mga ito at parang nasa runway ang mga ito kung maglakad

Huminto ito sa tapat ng entabldo ilang metro lang ang layo kung nasaan kami nakaupo ni Luan. Nakalinya ng pahalang ang mga ito

Kita ko sa ganda ng kanilang tindig at kasuotan maging sa kanilang presensya na sila ang mga tinuturing na mga korona ng Dark Empire

Ang mga babae na kasama nila ay nakasuot ng parang sa mga greek goddesses na nakikita ko noon sa literature subject namin at ang mga lalaki naman ay nkasuot ng mga pang prinsipeng kasuotan

Naglakad paunahan sakanila ang dalawang babae at dalawang lalaki

Humakbang ng isang hakbang paunahan ang nasa pinakadulo saknila

Inalis nito ang kanyang maskara

At muntik na akong mapanganga dahil sa angkin nyang kagandahan!

She's like Aphrodite, the greek goddess of beauty

Napakaputi ng kanyang kutis, though lahat naman sila mapuputi ang balat dahil nga sa bampira sila pero ang kanyang kutis ay tila porselana, napakaputi at napakakinis

bahagya akong napangiwi ng mapagmasdan ko ng maigi ang kanyang kasuotan.

Halos wala ng tela ang humaharang sa itaas na parte ng kanyang katawan. Napakarevealing ng kanyang suot. Halos makita ko na pati kaluluwa nya. Mabuti nalang at may panloob syang kasuotan

It is a white silky semi gown na feeling ko ay malalaglag ang tela na tumatakip sa kanyang dibdib kung hindi lang sa lubid na kulay ginto na nakakabit dito na nakakonekta naman sa kanyang leeg. At sa parang ginto na nasa baba ng kanyang dibdib na mas nagpaangat pa sa malaki niyang hinaharap

Kita sa mainipis nyang suot ang magandang kurba ng kanyang katawan.

At may nakatali naman sa kanyang magkabilang braso na kulay gintong lubid

She has light brown hair na nakapuyod ang bandang taas samantalang nakalaylay sa kanyang likuran at magkabilang balikat ang iba. And she has brown eyes

pansin ko ang pagkatulala ng mga lalaking bampira sakanya. Lust is visible on their glowing eyes while staring at her

Bigla akong napasimangot ng mapansing nakatingin sya kay Luan with a seductive smile on her thin pink lips

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon