Chapter 52

12.4K 311 4
                                    

Dedicated to: @hnniejdf @nhorputalan628 @AvantikaSac @pinkyregs23 @AngelicaSorbito

Read the author's note.....

~Chapter 52~

Tahimik lang kami habang patungo kami sa palasyo ng Halla Verona

Tanging si Rosh lamang ang maingay!

Paminsan minsan din ay nararamdaman ko ang paglapat ng labi ni Luan sa aking leeg kaya't naiilang ako na baka makita kami ng mga kasama namin

Isang malaking gate ang aming tinigilan. Tanaw dito ang tuktok ng isang palasyo

Mas tanaw iyon kanina ng malayo layo pa lang kami at ngayon pa lang ay masasabi ko ng maganda ang palasyong nasa likuran ng mataas na pader na ito

"Prince Priam"

Agad na nagsiyukuan ang mga bantay ng palasyo

muli silang nagtaas ng tingin

At pinalakad naman paunahan ni Luan ang aming sinasakyang kabayo

"King Luan?"

Halata sa mukha ang pagkabigla at takot?? Sa kanilang mukha ng makita si Luan na nasa aking likuran

"Hindi niyo ba nabalitaan na ayokong tinatawag akong hari?" - malamig na sambit ni Luan

"Paumanhin prinsipe Luan"

"Papasukin niyo kami"

"Masusunod"

Agad na binuksan ng dalawang bantay ang malaking palasyo

Naunang pumasok kami ni Luan dahil kami ang nasa unahan nila Priam

Agad akong napahanga sa nasa harapan naming palasyo

Malaki ito at kita ang karangyaan

Pero mas malaki dito ang Parua Abellon

Ito na ba ang palasyo ng Halla?

"Naandito ang mga mahal na prinsipe!!"

Rinig kong anunsyo ng isang lalaki na nasa taas ng pader

"Prince Priam"

"Waahh Prince Rosh!!"

"Our prince Travis!"

Agad kaming dinumog ng mga kababaihan

Okay?? Kilala sila ng mga naririto

Seryoso lamang na nakatingin ng diretso si Priam. Si Travis naman ay naghihikab lamang at tamad na nakatingin sa mga babaeng nakapalibot sakanya, samantalang si Rosh naman ay tila naiinis sa ding babaeng gusto siyang hawakan

Akala ko ba ay natutuwa siyang maraming nahuhumaling sakanyang mga kababaihan?

Maging kila Kyran, Dion , Kevin at Zeyton ay nilapitan ng mga babae na parang naglalaway na sa mga nakikita

Pansin naman ang pagkairita ni Miya na katabi lang ni Zeyton

Kanina pagkakita ng mga nandito kay Luan ay nabigla sila at may mga nagtangkang lumapit pero agad ding umatras na tila natatakot ang iba naman ay nasa malayo lang habang lihim na sumusulyap sa bampirang nasa likod ko. Namumula ang kanilang mga mata habang nakatingin sa aking prinsipe, partikular sa hubad niyang katawan!

Di ba nila ako napapansin? Naandito po ang babae ng bampirang pinagpapantasyahan nila!

"Pumasok na tayo"

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon