Chapter 61

11.7K 269 5
                                    

~Chapter 61~

Tamara POV

"Ayos lamang po ba kayo mahal na prinsesa?"

Napatingin ako sa baba kung nasaan si Grill

Nasa isang dangkal lamang ang kanyang laki kaya't kailangan kong yumuko para tignan siya

"Oo Grill ayos lang ako"

"Princess Tamara!"

napatingin ako sa harapan at nakita ko si Freya na kasama ni Luan

"Princess Freya"

Nasa harapan na namin sila ngayon ni Grill

"ano kaba! Freya na lang"

Ngumiti ako

"Kung gayon ay Tamara na lang din ang itawag mo saakin"

"Haha sige sige. Tamara"

Napalingon ako kay Luan at agad nag iwas ng tingin ng makitang nakatingin siya saakin

Bigla na lang lumuhod si Freya at saka niyakap ng mahigpit si Grill

"Waaah mahal na prinsesa!" - sigaw ni Grill na alam kong nahihirapan ng huminga sa yakap ni Freya

"Annngg Cuuuteee mooo" - sabi ni Freya

Haha kahit man din ako noon ay palagi kong pinanggigigilan si Grill

Pinakawalan niya naman din ito ng pinatayo na siya ni Luan

"Ahm, sinu-sino pala ang mga kasama ng mga kawal at nila prince Rosh kanina?" - tanong ko kay Freya

"Ahh sila Yael"

"Yael?"

"Salvatory ang tawag sakanilang grupo mahal na prinsesa. Mga rebeldeng bampira" - sagot ni Grill

Rebeldeng bampira?

"Saan sila dadalhin?"

"Sa lugar kung saan sila nararapat" - Luan

"Luan! Pakawalan mo na lang sila" - Freya at saka hinawakan sa braso si Luan

"Cassidy alam mong hindi pwede. Hindi ko iyon hahayaang mangyari!" - Luan

"Luan naman! Kakausapin ko sila Yael"

Aalis na sana si Freya ng hinila siya ni Luan

"Damn Cassidy! Hindi mo ba nakita kung paano ka titigan ng bampirang iyon tuwing nagkikita kayo?! And I want to get those fucking eyes out from that bastard! And now you want to go there and talk to him? Hell no!"

"Kakausapin ko lang siya Luan! Alam kong wala naman silang intensyon na manggulo! Nakasama ko na sila noon. Alam kong hindi sila manggugulo" - sinabi niya ang huling dalawang pangungusap sa mababang tono

"No Cassidy! And that's final! We should stop arguing about him and let's go to our room. You have a thirsty baby that needs to feed now Cassidy" - at saka niya na hinila si Freya

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon