Chapter 17

12.9K 308 0
                                    

~Chapter 17~

Yael POV

Nilinga linga ko ang paligid ng biglang magbago ang lugar kung saan ako nakatayo

Nasa isang silid ako ngayon. Kita ko ang isang babae at batang lalaki na masayang nag-uusap sa loon ng kwarto

"Anak, lagi mong pakatatandaan na andito lang kami ng papa mo at mga kapatid mo ha? Lagi kang magpapakabait"

Kita ko ang pagtango ng batang lalaki na parang nasa limang taong gulang na

"Ina, Paglaki ko po ba ay magiging isang magiting rin akong prinsipe?" - tanong ng bata

"Syempre naman anak, balang araw ay magigi kang isang magiting na prinsipe. At iingatan at po-protektahan mo ng magigi ang iyong prinsesa" - masayang sabi ng babae

"Sisiguraduhin ko iyon ina, at ikaw lang ang magigi kong prinsesa aalagaan at po-protektahan kita"

Bigla na namang nagbago ang paligid

Ngayon ay nasa isa akong hardin

Nandito ulit ung batang lalaki kanina. Nakasiksik sya sa mga malalagong halaman

"Nasaan kana? Nahanap ko na si Lia, ikaw nalang ang hindi pa"

May dalawang bata na naglalakad palapit sa tinataguan nung batang lalaki. Mukhang pitong taong gulang sila pareho

Napahagikhik ang batang babae ng makita ang nagtatagong bata. Itinuro nya iyon sa kasama nyang batang lalaki

Sabay silang tahimik na lumapit sa bata at saka bigla nila itong hinila

"Huli ka! Hahaha jan ka lang pala nagtatago ha!"

"Ang daya nyo ni Lia, Van!" - sambit ng bata pagkalabas nya sa tinataguan nya

Panay sa kakatawa ang tatlong bata ng may dalawang sundalong lumapit

"Mahal na prinsipe at mahal na prinsesa oras na daw po ng inyong pagsasanay"

Agad na nawala ang ngiti sa batang lalaki at tinignan ang dalawa pang bata

"Magsasanay na naman kayo? matatagalan na naman bago tayo makakapaglaro ulit" - malungkot na sabi nung bata

"Hayaan mo sa susunod hihilingin ko sa aming taga pagturo na pahabain ang aming pagbabakasyon" - sagot na batang babae

"Ba't kailangan nyo pa kasing magsanay?" - tanong nung bata


"Haha bilang prinsipe at prinsesa dapat lang na magsanay kami ni Lia. Pag tumuntong kana rin sa edad namin ay maiintindihan mo rin ang lahat" - paliwanag ng batang lalaki

Nagbago na naman ang paligid. Ngayon nasa isang kwarto ako kung saan ginaganap ang isang pagpupulong

"Ina, ama, tama ba ang balita? Nagtakda si King Magnus ng isang digmaan?" - tanong ng bagong dating na makisig na binata. Mukhang nasa edad dose pa lamang ito

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon