Chapter 76

10K 241 13
                                    

Dedicated to:
@DhaEllie @hnniejdhf
@Shesminenow @JheannBroniola9
@JulieAnnMagalona @user98169420
@SulitarioChristiana
@blairivan

Dark Series Compilation... Add it guys... haha ang kulit ni ms. Author 😂

~Chapter 76~

Finn POV

Mahamog pa ang paligid. Hindi pa gaanong sumisikat ang araw. Nag aagaw pa lamang ang dilim at liwanag

Kita ko pa sa kalangitan ang buwan na konting parte na lamang nito ang kita

Inayos ko ang aking suot. At saka sumakay sa aking kabayo

Lahat kami ay nakasakay sa aming mga sariling kabayo. Hindi kami maaaring gumamit ng vampire speed kasi maiiwan ang mga Light Empire dahil di naman sila bampira. Baka tapos na ang digmaan at saka lang sila nakarating sa Althalos!

Inilibot ko ang aking paningin. Nakahanda na ang lahat. Nakahanay na ang lahat. Tanging hudyat na lamang ni Luan ang hinihintay

Nasa pinakaunahan si Luan. Nasa likuran niya sila Priam, Kyran, Dion at ang dalawang tagabantay maging ang legendary guardian ni Freya, si Sky na nasa malaking anyo nito. Nasa likuran naman nila ang Black Moon Shadow pack na pinangungunahan ng Alpha King. Alpha Grey.

Pagkatapos ng mga lobo ay isang pagitan, nasa tatlong metrong pagitan bago ang ikalawang hanay na pinangungunahan ng mga magkakapatid na Dragomir kasama ang limang knights ng yumaong reyna ng Halla. Nasa likuran nila ang red warrior

Pagkatapos ay tatlong metrong pagitan na naman para sa ikatlong hanay na pinangungunahan ng tatlong kaharian ng Dark Empire. Nasa kanang bahagi ang Thespia na pinamumunuan ni Sullivan. Kasama niya ang kakambal na si Malvolia. Nasa kanan namang bahagi ang Sirona na pinamumunuan ni Cleon kasama sila Cyano at Saxon at tatlo pang prinsipe ng Sirona habang nasa gitna ng dalawa ang Syldavia na pinamumunuan ni Ullyzeus kasama sila Azola at Maxius. Pagkatapos ng tatlong kaharian ay ang Elesio, the warrior kingdom na nasa pangunguna ng kapatid ni Zeyton, si prinsipe Ares at nasa likuran nila ang Elonia Majestica na pinangungunahan naman ni Queen Amara kasama ang dalawang anak

At isang pagitan na naman para sa huling hanay na pinangungunahan ng mga archery mula sa Elfanio na pinangungunahan ng kapatid ni Miya, si prinsipe Tyron. Nasa likuran nila ang Averrhoa at Athanasia na pinamumunuan ng dalawang crown; princess Kora at prince Crayon. Nasa likuran naman nila ang Arcadia na pinamumunuan ni princess Tamara habang nasa tabi nito si Yael. Psh. Guard your own mate. Iyon ang sabi niya.

Arcadia consist of earth benders, fairy and dwarfs. At ang nasa pinakahulihan ay ang Orfeo. The fire nation. Na pinangungunahan ni Zephyr. Mayroon itong mga kasamang mga dragon na siyang sinasakyan ng iba niyang mga kasamahan

The crowns are riding their own legendary guardians.

While the other pointy-eared humanoids from kingdom Elfanio are scattered everywhere since sila ang may mga kakayahan in healing like Elonia Majestica.

Nasa paligid naman ang mga Slyph. It is a fairy-like dedicated to the element of air under Averrhoa. They are invisible. But not on me. I can see them. Because my power is also invisibility.

Nasa himpapawid naman ang mga naglalakihang ibon na mula pa rin sa Averrhoa. May mga nakasakay sa kanilang mga air bender.

Kaming Salvatory ay nahati

Si Keisler at Keena sa ikalawang hanay

Kami naman ni Gretel ay sa ikatlong hanay. At si Yael ay malamang nasa huling hanay kung nasaan ang kanyang iniirog. Pwe! Mate thing makes anything sounds corny and cliche

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now