Chapter 11

16.3K 373 3
                                    

~Chapter 11~

Kasalukuyan kong hinahaplos ang malambot na balahibo ni sky na tahimik na nakadapa sa aking kandungan habang ako ay nakaupo sa ilalim ng malagong puno na nasa tapat ng aming bahay. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na si sky ang nakita ko knina. Ipinaliwanag rin nilang si sky ang legendary guardian ko at ganun talaga ang totoong anyo ni sky. Kaya pala sya hindi tumatahol tulad ng normal na aso, dahil hindi sya aso. Si sky ay isang legendary white fox with a bluish flame in his nine tails.

Bahagya kong isinalag ang aking kamay sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ni sky. Sa maamong mukha nito. Sa kabila ng lahat ng nalaman ko tungkol sakanya, para saakin ay sya pa rin ang sky na pinalaki ko, ang sky na inalagaan ko.

"Nais nyo po bang mamasyal mahal na prinsesa?"


Iniangat ko ang aking ulo ng may biglang ngsalita sa aking harapan



"Maari bang wag mo na akong tawaging prinsesa Zeyton?"


"Paumanhin mahal na prinsesa ngunit hindi po maaari ang iyong nais"


"Hindi ako sanay na tinatawag ng ganyan. Gusto kong mismong pangalan ko ang itatawag sa akin"


"Naiintindihan ko po ngunit ito'y isang paggalang"

Ang kulit nya!!
kung makagamit naman sya ng salitang "po" ay feeling ko naman ang tanda tanda ko na! Eh parang magkasing edaran lang naman ata kami kung titignan.

Isang buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago nagsalita


"Kung di ko na talaga yan mababago ay wala na akong mgagawa" - ako sabay buhat kay sky at tumayo


"Gusto kong maglakad lakad. Maaari mo ba akong samahan?"

bahagya lamang syang yumuko saakin







Miya POV

Pinagmamasdan ko ang bampirang may pulang buhok na tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana

may nararamdaman akong kakaiba sa bampirang ito. May kakaiba sakanya na hndi ko matukoy kung ano. Hindi sapat ang nalaman ko tungkol sakanya, sa naging pag uusap nmin kanina habang walang malay ang prinsesa


~flashback

"Masaya ako't nagpakita na rin kayo. Subalit tila ngayon ko lamang naramdaman ang iyong presensya unang tagabantay" - Louella

"Paumanhin, may kailangan lamang akong ayusin sa aming kaharian. pero kahit wala ako sa tabi ng prinsesa ay binabantayan ko pa rin sya mula sa aking mahiwagang salamin na nasa aming palasyo."


"Ang mahalaga ay naririto kana at sana ay gampanan mo na ng maayos ang iyong tungkulin" - ako

Hindi na ako nkapagpigil na makisali sakanila. Aaminin ko inis ako sa lalaking ito! Napaka iresponsable nya para pabayaan ang prinsesa

Bahagya lamang syang tumingin saakin maging sila Louella bago inilipat ang kanyang paningin sa dalawang bampirang kanina ko pa rin pinagmamasdan

"At sino naman kayo?" - tukoy ni Zeyton sa dalawang bampira

"Ang pangalan ko ay Dion at sya naman ay si Youn-- si Kyran" - sagot ng bampirang may kulay lilang buhok

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now