Chapter 5

16.8K 408 16
                                    

~Chapter 5~

Kazarina POV

"MGA WALANG KWENTA!"

"Huminahon ka Kazarina. Ginagawa na namin ang lahat"

"Lahat?! Un na ba ang sinasabi nyong lahat?!?! Lahat ng pinapadala nyong bampira ay mga walang kwenta! Hanggang ngayon di pa rin nila mahanap ang babaeng un!"

"Hinay hinay sa pagsasalita Kazarina baka nakakalimot kang ang ilan saaming nasa harapan mo ngayon ay matataas na konseho"

"This is all about Lord Luan, and I can't consider your lame actions even your a part of the council or not! Hanapin nyo sa lalong madaling panahon ang pinapahanap ko kung ayaw niyong sa pagbabalik niya ay malaman niya kung ano ang mga pinaggaggawa ninyo!"


At saka ko nilisan ang silid na iyon.. baka di pa ko makapag pigil!

Lahat ng nadadaanan ko ay tumitigil sa kanilang ginagawa at saka bahagyang yumuyuko

Nang makarating na ako sa aking kwarto ay naramdaman ko agad ang kakaibang presensya na kasalukuyang nasa aking silid

"Anong ginagawa mo rito Veronica?" - may diin kong tanong sa babaeng kasalukuyang nakaupo sa gilid ng aking kama

"Nabalitaan kong binuksan mo raw ang portal"

Tumayo sya bago muling nagsalita

"Ano ba ang hinahanap mo? O... sino ba ang hinahanap mo Kazarina?"


"Naparito ka ba dahil utos ni Haden?"


"Gusto niyang mlaman kung nagpaplano ka ng pag aaklas Kazarina at gusto nyang ipaalam na hindi sya natutuwa sa anumang binabalak mo"


Tinignan ko lamang sya.. wala akong mapapala kung kakausapin ko pa ang babaeng ito

Gusto ko ng umalis ang babaeng ito upang makapunta na ko sa silid nya

"O di naman kaya ay naghahanap ka pa rin ng paraan upang mabuhay lamang si Luan?" - sambit niya

"Umalis kana Veron"

Naglakad siya papalapit saakin


"Sa tingin mo ba ay may paraan pa Kazarina? Tanggapin mo na na hindi na muli pang mabubuhay si Luan!! Na Kailaman ay hindi na siya mul..."

Di na natuloy pa ni Veron ang pagdadadak nya at kasalukuyan na syang nakaluhod sa harapan ko ngayon at namimilipit habang ang aking mga mata ay namumula

"K-k-ka-z-za-ri-n-na!! I-iti-g-gil m-mo to!"

"Kulang pa ang nararamdaman mo sa ipinaramdam nyo saakin ng pinatay ng Haden na iyon si Luan! Pero ito ang tandaan mo Veron, sa oras na muling magbalik ang buhay ni Luan sya mismo ang papatay sainyo!!"


Unti unti ko ng nakikita ang mga ugat sa leeg ni Veronica habang mas pumupula ang aking mga mata

Bigla namang napalibutan ng itim na hangin si Veronica pero bago pa man sya tuluyang naglaho ay nagawa nya pa akong hawakan

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon