Chapter 53

11.8K 271 1
                                    

Dedicated to: @hnniejdhf
@AngelikaSorbito
@alcalarona3 @ginasulat @famero1100 @yam4201 @devilblackangela

~Chapter 53~

Freya POV

Ang bampirang yun!

Ngayon ay alam ko na kung bakit nyebe ang kanyang kapangyarihan

Maging ang puso niya ata ay tuluyan ng nagyelo!

"Makapapatay ka na niyan?"

Napatalon ako paatras ng biglang may magsalita sa aking tabi

"Bakit ba nambibigla ka?"

"Naawa lang ako sa alaga mo" - sagot niya ng nakatingin kay Sky

Napatingin naman ako kay Sky na karga karga ko na umuungol

At doon ko lang napansin napapahigpit na pala ang pagkakayakap ko sakanya

"Sorry Sky.. di ko sinasadya"

Paulit ulit ko iyon sinasabi habang hinahaplos ang kanyang balahibo

"Grrrr"

"Bakit ba kasi ang sama ng aura mo?"

At bkit ba naandito ang antukin na bampirang to?

"Wala!"

"O? Ba't ka nasigaw? Galit kana niyan?"

"Himala ata at gising ka"

"Ahh oo nagising ako sa kidlat ni Priam"

Kidlat??

Napalingon ako sa bintana na nasa di kalayuam sa pwesto namin at nakita ko nga ang patuloy sa pagtama ng kidlat sa lupa hu? Hindi sa lupa kundi parang mismong sa loob nitong palasyo!

"Hindi iyan basta basta kidlat. Alam kong galit ngayon si Priam, kaya ako lumabas"

Siguro dapat palaging natutulog to si Travis ng humahaba ang mga sinasabi niya

Nag umpisa na itong maglakad

"Di ka ba sasama?"

Kumunot naman ang aking noo

"At bakit naman ako sasama saiyo?"

"Naramdaman ko ang pagbagsak ng temperatura kanina. Kaya't nasisiguro kong siya ang kaaw-"

Di ko na hinintay na tapusin ni Travis ang sasabihin niya. Dali dali akong pumunta kung nasaan ko nararamdaman ang kapangyarihan ng aking prinsipe

Sobrang inis ko ata talaga kanina na hindi ko na namalayan ang kakaibang mga enerhiyang nag raradiate sa buong paligid

Ng makarating ako kung nasaan ang kaguluhan ay napanganga na lamang ako ng makitang nagyeyelo na ang buong silid habang patuloy sa pagkidlat dito mismo sa loob na tumatama sa pwesto ni Luan

Tumakbo ako palapit kay Miya na nanunuod lang sa dalawa

"Anong ngyayari dito?"

"Basta na lang namin silang nakitang nag aaway ng ganyan" - Miya

Napatingin ako sa paligid

naandito rin sila Rosh maging sila Kevin at Kyran

Naandito silang lahat pero ni isa wala man lang pumipigil sa dalawa!

"Respetuhin mo si Ina! Pinapabayaan namin na ganoon ang pakikitungo mo saamin. Pero wag mong idadamay si ina. Bigyan mo sya ng galang bilang reyna" - giit na sambit ni Priam

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now