Chapter 60

12.3K 262 5
                                    

~Chapter 60~

Rosh POV

"Papaano pala nangyari iyon Rosh? Kitang kita namin ni Luan kung paano ka nahulog sa bangin na iyon matapos kang saksakin ni Dike" - Freya

Kahit nga ako ay hindi ko akalain na mabubuhay pa pala ako

Well thanks to him

--------Flashback-------

Nakahinga ako ng maluwag ng patakbuhin na ni Luan ang kabayo na sinasakyan nila ni Freya

"Sa tingin mo kaya mo kami Rosh?" - Devon

"Fuck you! Mga traydor!" - sigaw ko

Naalis na nila ang mga sinulid ko sa kanilang katawan

Agad kong iniwasan ang itim na apoy ni Devon

Pero nadaplisan pa rin ako nito Sa kanang braso ko

Napadaing ako ng dahil doon

Hindi biro ang kapangyarihan niya isa iyon sa apat na apoy na naririto sa mundong ito

Ang puting apoy na na kay Cyano
Ang pulang apoy na na kay Zephyr ng fire kingdom
Ang asul na apoy na na kay Freya
At ang itim na apoy na pagmamay-ari niya

Nawala ang ngiti niya ng puluputan siya ulit ng sinulid ko na nasa kanyang likuran

Agad na nagdugo ang kanyang paa na pinupuluputan niyon

Don't under estimate my power

"Ahhh!!"

Mas lalo akong napangiti ng nagsisisigaw na ito dahil tumataas na ang aking sinulid sa katawan niya

Nakita kong susunggaban ako ni Aria pero naunahan ko siya at pinuluputan ko rin siya ng sinulid

Pero imbis na sumigaw siya sa sakit ay nakita ko pa ang isang ngisi sa sakanyang labi

Shit!

Huli na ng maisip kong balak lang pala niya akong guluhin upang makalapit si Dike saakin

Naramdaman ko na lamang ang pagtarak ng espada ni Dike sa aking dibdib

Narinig ko pa ang sigaw ni Freya

Napangiti ako. Binalikan nila ako

Pero hindi ko na kaya. Nanghihina na ako

Naramdaman ko na lamang ang paghampas ng hangin sa aking likuran. Patuloy lang ako sa pagbulusok pababa ng matarik na bangin na ito

Hindi ko na maramdaman ang presensya nila.

Sana ay maging ligtas sila. Sana lang ay ligtas silang lahat

ipinikit ko na lamang ang aking mata

Ito na ata ang katapusan ko

Resurrecting The King Of The DarkWo Geschichten leben. Entdecke jetzt