Chapter 21

13.8K 298 25
                                    

~Chapter 21~


Freya POV

"Mag-iingat kayo sa daan. Sana ay ligtas kayong makapunta sa inyong pupuntahan" - mrs. Gregory


"Gustuhin ko mang sumama pero hindi maari. Marami pa akong aayusin dito sa bahay. Kero protektahan mo ang prinsesa naiintindihan mo ba?" - Leila



"Leila naman! Kevin nga! Oo oo kahit di mo naman na sabihin gagawin ko" - yamot na tugon ni Kevin na ikinatawa naman ni Leila



"Umalis na kayo ng makarating kayo agad. Hihintayin namin kayong makabalik" - mr. Lazarro



"Babalik po kami. Salamat po" - ngiting sagot ko



Nakangiti naman sila habang hinahatid kami ng tingin hanggang sa di na nila kami tanaw.

Nakasakay sa kabayo ang mga kasama ko samantlang ako ay nakasakay kay Sky. Nasa totoong anyo sya ngayon kaya kaya nya akong isakay sa likuran nya

Nasa isang kabayo lang sila Zane at Kevin dahil hindi naman marunong magpatakbo ng kabayo si Zane. Nagunguna naman si Miya habang nakasunod kami ni Zeyton. At sa likuran namin ay sila Kevin, Kyran at Dion

Di nagtagal ay nakarating na kami sa kaharian kung saan nagmula si Miya. Ang Elfanio. Ang kaharian ng mga Elf na kasing tangkad lang ng mga tao.

Kita ang pagkabigla ng mga mamamayan dito ng makita kami at naalarma sila ng makita sila Kyran



"Hindi sila mga kalaban" - sigaw ni Miya



Ibinaba ko naman ang hood ng suot kong cloak at saka luminga linga upang makita ang buong paligid.

Saakin naman nabaling ang kanilang tingin at ng makilala nila kung anong nilalang si Sky ay doon sila nagsitabi at nagsiyukuan

Kilala nila ang Legendary Fox na itinakdang maging legendary guardian ko

Payapa kaming nakadaan sa bayan. At sa dulo ng bayan na dinaanan namin ay naroroon ang palasyo ng Elfanio

Iniwan nila sa labas ng palasyo ang mga kabayo nila. Samantalang naging maliit naman si Sky upang makarga ko at maisama sa loob ng palasyo.

Ang palasyo ay nadedekorasyunan ng mga perlas, ginto at dyamante na nakakapagpaganda sa buong palasyo.

Dumiretso kami sa isang silid. Sa dulo ng silid ay mayroong nakaupong matandang lalaki at babae sakanilang trono



"Miya?" - tawag ng matandang babaeng mayroong korona sa ulo bago lumapit saamin kasama ang matandang lalaking mayroon rin suot na korona



"Ina, ama" - Miya bago siya lumuhod at saka tumayo at niyakap ang dalawa


Ina? Ama? Kung ganoon ay prinsesa si Miya??

Ng kumalas sila sa pagkakayakap ay napatingin saamin ang magulang ni Miya



"Ang prinsesa. Napakaganda mo tulad ng iyong ina" - sabi ng ina ni Miya habang pinagmamasdan ako



"Maligayang pagdating sa Elfanio prinsesa ng asul na apoy. Ako si King Thebes at si Queen Almira naman ang aking asawa" - ama ni Miya

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now