Chapter 62

11.1K 263 9
                                    

~Chapter 62~

"Nasaan siya Luan?"

Tumayo si Luan mula sa pagkakaupo at saka hinarap sila Sullivan

"Ang rebelde mong kapatid ay nangahas pumasok sa aking palasyo. Kaya saan mo pa ba siya iniisip na dadalhin ko?" - malamig na sagot ni Luan

"Ibigay mo siya saamin kamahalan" - Malvolia

"Isang kriminal ang gusto niyong palabasin ko?" - Luan

"Anong nangyayari dito?"

Napatayo ako ng makita ang reyna kasama ang limang knights

"Mahal na reyna"

Nagbigay galang ang magkapatid kay Queen Dhalia

"Nabalitaan namin na naandito ang aming kapatid. At nais sana naming makipag usap upang makuha namin siya pabalik sa Thespia" - Sullivan

"Kailangang pagbayaran ng kapatid mo ang mga ginawa niyang panggugulo sa buong emperyo" - Luan

Lumapit na ako sakanila at saka hinawakan si Luan

"Luan ang tinutukoy ba nila ay ang mga Salvatory? Hayaan mo na silang makalaya Luan"

"Cassidy"

"Lahat ay may karapatang bigyan ng pagkakataon upang magbago. Gaano man kalaki ang nagawa nilang kasalanan. Gaano pa man kasama ang tingin sa kaniya ng nakararami. May pag-asa pa siyang magbago. At napatunayan ko ito saiyo Luan"

Nakatitig lang siya sa akin habang sinasabi ko ang mga katagang iyon

Sana ay makinig siya. Sana.

Ilang segundo ang lumipas pero nanatiling nakatitig lamang siya saakin hanggang magsalita siya

"Ilabas ang mga Salvatory"

Sabi niya ng hindi inaalis ang kanyang tingin saakin

Nginitian ko siya

Agad naman na nagsisunudan ang mga kawal

At makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang mga kawal kasama sila Yael

Sa akin nakatingin si Yael bago nalipat ang tingin niya sa gawi ni Tamara na nag iwas naman ng tingin

"Yael"

Napatingin ako kay Sullivan ng tawagin niya si Yael

Hindi kaya?

"Bakit kayo nandito?"

Kita ko ang paglandas ng galit sa kanyang kulay itim na mata

"Uuwi na tayo sa Thespia"

Kung ganoon ang tinutukoy nilang kapatid ay si Yael??

"Ayokong sumama sa inyo. Mas gugustuhin ko pang makulong dito"

"Pero Yael. Kung tungkol pa rin ito sa ngyari noon, mapag uusapan pa naman natin ito. Bumalik ka lang sa Thespia" - Malvolia

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now