Chapter 51

11.7K 294 14
                                    

Dedicated to: @Ydolotte_Gwen @Crown_Line @ MaryJanePalma026 @blessrodrigosalas

~Chapter 51~

Napabangon ako mula sa aking pagkakahiga ng makarinig ako ng mga ingay na nagmumula sa labas

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok si Rizza

"Gising kana pala"

"Kagigising ko lang eh"

"Sandali ikukuha na lang kita ng makakain"

"Ahh Rizza, pwede bang magtanong?"

"Uhh? Ano iyon?"

"Ahm, nasaan ba ang Luna nyo? Nasaan ang mate ni Grey?"

Naalala ko kasi ang sinabi saakin ni Grey kagabi habang umiinom ako sakanya

Napa isip lang ako. Bakit niya naman iyon sasabihin saakin?
Hindi naman ako ang mate niya

Nakita ko na biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Rizza

"Wala siyang mate Freya"

"Walang mate? Paano naman iyon nangyari?"

Sa mga nababasa ko noon sa libro mas mahalaga at kadalasan ang may mga mate ay ang mga lobo

Mali ba ang mga nababasa ko noon?

"Hindi siya binigyan ng mate ng dyosa ng buwan. Naka usap nya na ang dyosa ng buwan at bilang susunod na hari ng lahat ng mga lobo ay iyon ang ibinigay sakanyang kapalaran ng dyosa ng buwan. Ang dahilan ay para mabigyan siya ng pagkakataong pumili ng nararapat na babae para sa pwesto at para na rin sakanya"

Mas mainam ba iyon? Na walang nakatakda sa iyo at ikaw na lang ang magpapasya kong sinong makakasama mo sa habang buhay? Sa mga tao oo, pero ang alam ko mahirap iyon sa tulad niyang lobo. At isa pa siyang hari ng mga lobo.

"Kaso ang problema niyan, ang tagal na pero wala pa ring napipili si Alpha Grey. Kailangan bago siya basbasan bilang bagong hari ay dapat maipakilala niya na rin sa lahat ang babaeng kanyang napili"

"Masyado naman atang mapili ang alpha niyo" - pabiro kong saad

Sigurado akong maraming nagkakandarapang babaeng lobo sakanya kita ko iyon kahapon ng dumating kami

Baka nga kahit hindi nila kauri ay nabibihag rin niya

"Haha, ganun talaga si Alpha Grey"

Napangiwi ako dahil sa labis labis niyang pagrespeto kay Grey.

Imbis na Grey lang talagang Alpha Grey pa! Ang haba kaya

"Malamig siyang makitungo sa lahat maging kay Rue, pero alam naman namin ni Rue na ganon na talaga siya, at isa pa mukhang may nakakuha na ng kanyang atensyon" - nakangiting sabi niya habang nakatingin saakin

"A-ano bang nginingiti-ngiti mo jan?"

"Hindi ka naman ata manhid diba? Marunong ka naman atang makiramdam. Pero alam kung magkakaroon ng malaking digmaan kapag ginawa ni Alpha Grey ang binabalak niya" - nawala ang ngiti sa kanyang mukha at tila nag iisip

"Binabalak na ano?" - nagtatakang tanong ko

"Minsan lang magkagusto ng kahit na ano si Grey at kapag may nagugustuhan siya ay ginagawa niya ang lahat mapasakanya lang iyon Freya. At ngayon pa lang ay ramdam na ang magiging bunga kapag ipinagpatuloy ito ni Alpha Grey"

"Anong ibig mong sabihin Rizza?"

Nakatingin lang sya saakin at muli ko na namang narinig ang ingay mula sa labas

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now