Chapter 32

12.8K 341 15
                                    

~Chapter 32~

Kazarina POV

Umalis ako sa palasyo upang maibsan ng kaunti ang sakit na aking nararamdaman

Hindi ko pa kayang makita sya na kasama na ang babaeng nakatakda para sakanya

Hndi ko alam na mangyayari pa ito.. Ang alam ko noon ay patay na ang babaeng nakatakda sakanya.

"Anong ginagawa ng isang taga palasyo dito sa gubat hmm?"

"At ano namang ginagawa ng isang traydor na katulad mo dito sa Parua Abellon Veronica?"

"Haha, I see, let me guess. Are you giving your heart a little time to rest?"

"Shut up Veron!"

"I already warned you Kazarina"

Tumayo ako mula sa pagkaka upo ko sa ugat ng isang puno

"Bakit mo ba iyan palaging sinasabi saakin? Kung makaasta ka ay akala mo ay umibig kana"

Napansin kong biglang nagbago ang kanyang aura

"Naranasan mo na nga ba talagang umibig Veron?"

Hindi sya nakakibo


"Kung ganoon ay hindi pa?"

"Wala kang alam Kazarina!"

"Kung gayon ay sabihin mo, mahal mo ba si Haden kaya ka nagpapaalipin sakanya?"

Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamay

"Gusto lang kitang babalaan Kazarina, itigil mo na iyan. Wag mong mahalin si Luan"

Tumalikod na sya saakin


"Wag kang magmamahal sa mga nilalang na walang kapabilidad na magmahal ng iba. Pagsisisihan mo lang, pagsisisihan mo lang Kazarina"

At bigla na syang napalibutan ng itim na hangin at nawala sa aking paningin

bakit pakiramdam ko ay parang may nais sya sa aking ipahiwatig?

Bakit tila may kinikimkim sya sa nakaraan??
Ano nga ba ang iyong nakaraan Veronica? Ano?





Travis POV

Ano bang meron at tila nagkakagulo sa kaharian?

Lumabas ako ng aking kwarto upang tignan ang ngyayari

nakasalubong ko ang ilang kawal na tumatakbo kaya't pinahinto ko ang mga ito

"Anong nangyayari?"

"Mahal na prinsipe, nasa loob po ng palasyo ang mga taga Light Empire" - sagot ng isa habang nakayuko

Pinaalis ko naman sila kaagad

Mga taga Light Empire? Naandito sa palasyo?

Agad akong pumunta sa silid kung nasaan ang trono ni Luan

Habang papalapit ako ay ramdam ko ang mga hindi pamilyar na presensya

Agad binuksan ng dalawang kawal na nakabantay ang malaking pintuan at saka ako pumasok

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now