Chapter 69

11.9K 303 11
                                    

~Chapter 69~

Agad na nagpalabas ng mensahe ang palasyo kahapon pagkatapos na pagkatapos ng pagpupulong

Pinadalhan na ng mga sulat ang lahat ng palasyong sakop ng Dark Empire. Maging sa kaharian ng mga Crown ng Light Empire ay pinadalhan na rin ng mensahe

Nagsisimula na ring ihanda ang mga kawal ng palasyo. At ang alam ko ay ilalabas nila ang tinatawag nilang mga red warrior

Grupo ng warrior na huling pinalabas noong digmaan ng Dark Empire at Light Empire. Binubuo ito ng mga malalakas na bampira na may mga halong konting patak ng dugo ni Magnus.

Nakaupo kami ngayon ni Tamara sa may upuan na malapit sa may balustre ng palasyo

"Wala ka na bang ibang nakikitang pangitain Tamara?"

Ibinaba niya muna ang kaniyang iniinom bago tumingin saakin

"Wala na akong nakikita maliban roon Freya"

"Nasabi mong may magbubuwis ng buhay. Alam mo ba kung sino iyon Tamara?"

Tinignan niya ako sa aking mga mata

Magsasalita na sana siya ng bigla naming narinig ang alulong ni Sky maging ang pagaspas ng pakpak ni Gideon

"They are here"

Agad kaming lumabas sa palasyo at nakita rin namin na nasa labas na ang mga Dragomir

Nakasunod lang din saakin sila Miya at Zeyton

Mula sa aming pwesto ay tanaw namin ang mga paparating na bisita

Napatingin ako sa aking katabi ng maramdaman ko ang pagyakap ng mga bisig niya sa aking bewang

"Ang dali naman ata nilang umaksyon"

Napalingon ako sa tabi ko kung nasaan si Yael na nakayakap rin kay Tamara

Muli akong napatingin sa harapan ng bumaba na sa lupa sila Rocho, Draco at Light.

Halos kasabay lang din nila ang pagdating ng isang karwahe

At pagkababa naman ng mga crown sa kanilang mga legendary guardian ay siya namang pagsulpot ng mag asawang Gregory sa aming harapan

"Hindi talaga namin plinano na magsabay sabay na pumunta rito" - natatawang sabi ni Lazarro

Nagsilapitan na saamin ang tatlong crown at bumaba na rin sa kanilang karwahe sila Astrid at Ashton

Napangiti ako na makita sila ulit

"Ikinagagalak ko ang inyong pagpunta" - Luan

"Masaya kami at nagkita kita na naman tayo" - Kora

"At hindi namin inaasahang dito namin unang makikita ang crown of the earth element" - Crayon habang nakatingin kay Tamara

"Isang malaking rason kung bakit ako nagtago mula sa mundo sa labas" - Tamara

"Alam namin Tamara. At naiintindihan namin iyon" - Kora

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon