Chapter 65

12.5K 272 20
                                    

Kung maguluhan po kayo sa mga ipinasok kung characters just read the author's note sa baba for reference. Thank you


~Chapter 65~

Devon POV

"Kung ganoon ay may kapatid pa pala ako huh?"

Nanatili lamang akong nakayuko sa kanyang harapan

"Na kaya niyang itago ang sarili niya mula sa mundong ito. Nakita ko na siya noon pa man ng araw na nilusob nila ama ang kaharian ng Elafry Vasileio. Pero hindi ko naramdaman ang kakaibang dugong dumadaloy sakanya"

"Kamahalan, sa tingin ko ay pinakaingatan ng inyong ina ang kanyang pagkatao"

Narinig kong naglakad siya papunta sa malaking salaming bintana na ririto sa kanyang silid

"Kung siya nga ang huling anak ni Persephone. Nasisiguro kong ibinuhos ni ina ang lahat ng kapangyarihan niya sa kanyang bunsong anak"



Kyran POV

"Young lord"

"Kamusta na ang lagay niya Master Yu?"

"Masyado siyang napagod. Tila ilang araw siyang walang kain at maayos na tulog"

Ibinaba ko ang aking kopita at saka naglakad palabas ng kwarto

Pero natigilan ako ng magsalita si Master Yu

"Young Lord sigurado na po ba kayo sa inyong pinaplano?"

"Alam mong hindi ito kasama sa propesiya young lord"

"Binibigyan ko lamang siya ng oras para mag pahinga. Hindi niya kakayanin ang darating na digmaan kung ngayon pa lamang ay unti unti na siyang nghihina sa mga ngyayari"

Agad akong tumalikod at saka nagpasyang pumunta sa kwartong iyon

Agad na nagsialisan ang mga baging ng rosas na tumatakip sa malaking pintuan ng tumapat ako sa harapan nito. At awtomatikong bumukas iyon

Pumasok ako sa silid

Puro mga rosas na pula ang naririto sa loob ng kwarto. O masasabi ko nga bang kwarto? Kung titignan ito ay parang isang hardin na puno ng mga pulang rosas

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko na ang bagay na aking pakay na nasa gitna nitong malawak na kwarto

Huminto ako sa harapan nito

Maigi kong pinagmasdan ang pulang pulang rosas na nasa aking harapan

Sa lahat ng mga rosas na naririto, ito lang ang naiiba sa lahat

May proteksyon na nakapalibot dito

Mas malaki at mas mahaba ito kaysa sa ordinaryong mga rosas. Its color is bloody red as blood. Mayroon itong isang dahon na labas na labas ang pag ka luntian. Ang mahabang tangkay nito ay mayroong mga tinik na hindi basta bastang tinik na tanging sugat lamang ang maidudulot

Kakaibang rosas at napaka espesyal na bulaklak

Ang rosas na nasa aking harapan ay ang siyang aking buhay

Kung si Luan ay mayroong punong nyebe. Si Haden ay may punong pilak. Ako naman ay mayroong bulaklak na rosas

Mismong si ina ang bumuhay ng mga ito kasabay ng aming pagsilang

Nagkamalay ako ng wala ni isang magulang na nasa aking tabi

Namulat akong si Master Yu at Dion nalamang ang aking nakagisnan

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now