Chapter - 41

455 33 371
                                    


" Pero lolo.....yung demonyita mong kaklase na si Olivia anong nangyari?!"

Natawa na lang at naubo ang matanda.....

" Nasa bayan lang siya apo....."

" Diossskuupuuu! Buhay pa ang demonyitang iyon?!"

" Anak sobrang affected ka naman yata sa Olivia na yun?"

" Pano naman ma....siya ang dahilan ng pagkamatay ng lola ni lolo at pati siya muntik na rin mamatay!"

" Apo.....matagal na iyon.....pinagdusahan na rin naman ni Olivia ang lahat ng ginawa niya sa akin....di ba pati pamilya niya ay naghirap........nawala ang lahat sa kanila noong panahon."

" Buti nga sa kanya lo! Nalaman ba niya na ang pamilya mo ang nakabili ng mga ari-arian nilang nailit ng bangko?"

" Oo naman apo......noon pa man napatawad ko na si Olivia."

" Ha?! Grabe lo! Napatawad ninyo ang babaeng iyon?!"

" Apo....hindi mabuti sa buhay ng isang tao ang maraming dalahin....ayokong dalhin sa aking dibdib ang poot, galit at paghihiganti...parang paglalakbay lang iyan....kapag madami kang dala-dala sa iyong paglalakbay ay mahihirapan ka dahil mabigat ito....lalo na sa pagkakataong kailangan mo itong buhatin ng iyong mga kamay....hindi ka agad makakaalis sa kinalalagyan mo dahil dito....iyon ang poot sa iyong dibdib...sa madaling salita hindi ka makakamove-on kung hindi mo ito bibitawan sa iyong puso't isipan....kaya mahalaga ang pagpatawad." Nakangiting paliwanag ni lolo manuel sa binatilyo.

" Ganun lo?! Hindi nga ako makamove-on sa sinabi nyo, ang lalim parang sinkhole lang."

" Luko-luko ka talagang bata ka....dalawang apo ni Olivia ay iskolar ko......yung isa fourth year na siya....si Nico....mabait na bata iyon....katulad mo nasa star section din siya."

" Ha?! Baka yung tumulong sa akin na tumugtog noong papasok pa lang ako."

" Baka siya nga iyon apo....anak siya ng panganay ni Olivia na inaanak ko."

" Kabait nyo talaga lo....ibang level na.....inaanak nyo na, iskolar nyo pa at friendship na kayo ng witch na yun!"

" Kanina demonyita ngayon witch na anak ....baka mamaya kung ano na naman." Natutuwang biro ng papa ni daryll.

" Ano po bang nangyari at bff na kayo ng gremlin na yun lo?!"

Napangiti na napailing na lang ang tatlo sa mga imaheng inihahalintulad ni daryll si Olivia.

" Apo.....matanda na rin si Olivia ngayon....maayos naman at simpleng namumuhay siya kasama ang asawa mga anak na may mga pamilya na rin at apo....sa may Dagat ang bahay nina Olivia malapit sa bayan....lima ang naging anak niya.....si pablo ang nakatuluyan pa rin niya...."

" Oh my! Yung naka ssspg niya sa cr?!"

" Anong ssspg apo?"

" Sobra, sobrang, striktong patnubay at gabay lo! Ayokong sabihin ginawa nila ni pablo, malaswa eh!"

" Makinig ka na lang apo....saka ka ma magreak......"

" Sige lo....go na go na pls!"

" Wala pang isang taon ako na nagtatrabaho sa ospital ng isang gabi ay dumating ang isang babae, sa kanyang itsura at pananamit at alam mo na agad na hikaos ito sa buhay.....umiiyak siya karga ang isang sanggol na kinukumbulsyon sa taas ng lagnat.....nagulat kami ni Salvacion dahil hindi namin akalain na si Olivia iyon....matagal na panahon namin siyang hindi nakita at sa pagkakataong iyon ay labis ang ipinag-iba ng kanyang anyo....mas tumanda ang itsura niya sa amin....maging siya ay nagulat pagkakita sa amin....pero takot at parang humihingi ng pagpapatawad ang tingin niya sa akin...hindi mapatid ang luha niya at napaluhod sa may paanan ko karga pa rin niya ang isang sanggol."
.
.
.
" Emmanuel......tulungan mo ang anak ko....maawa ka sa amin...patawarin mo na ako sa lahat ng nagawa ko sayo noon....magpapaalipin ako sayo.....maawa ka tulungan mo ang anak ko."
.
.
.
" Hindi agad ako nakaimik dahil sa nabigla ako sa ginawa ni Olivia na halos halikan na ang mga paa ko sa pagsusumamo.....hindi ako umimik lang at kinuha ko ang sanggol at ineksmain kasama ang isang doktor.....itinayo naman ni Vacion si Olivia at pinaupo na hindi pa rin tumigil sa pag-iyak....dumating na rin ang kanyang asawa na walang iba kundi si Pablo....nabigla siya pagkakita sa akin....ngunit tipid na ngiti lang ibinigay ko sa kanya....nilapitan niya ang asawa niya at inalo ito......doon ay nakita ko kung anong buhay ang meron si Olivia at si Pablo....naawa ako at ng makita kong umiiyak ang sanggol at parang nawala lahat ang aking galit."

" Sila pa rin pala lo ang nagkatuluyan.....buti naman.....siguro yun na ang karma nila...."

" Ayokong isipin na karma iyon apo......siguro iyon ang tadhana nila......naagapan ang sanggol sa kapahamakan ng dumaan ang mga oras....at labis ang pasasalamat ng mag-asawa.....sa aming pag-uusap ay doon ko nalaman lahat sa kanila....naghirap talaga ang pamilya ni Olivia...hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo at maagang nakapag-asawa ng umuwi na siya ulit dito sa bayan dahil hindi na kayang tustusan ang pag-aaral niya sa maynila....sa kahihiyan ay nagtago siya sa lahat ng kakilala....at tanging si Pablo ang naging karamay niya......awa na ang nararamdaman ko sa bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig at luha sa mga mata.....sa oras na iyon ay sinabi ko na kalimutan na ang lahat.....pinatawad ko na siya, pati kay Salvacion ay humingi siya ng tawad at maging ito man ay humingi din ng tawad kay Olivia dahil nasaktan niya ito noon."

" Lo.....napakabuti po ng puso ninyo.....tama po kayo na hindi habang panahon ay may galit tayo sa kapwa....hindi maganda iyon sa buhay ng tao."

" Tama kayo dok......nang gabing iyon na bumuti na ang lagay ng sanggol ay pinauwi na muna namin ang mag-asawa....may anak pa pala silang panganay at naiwan sa kapitbahay nila....nahihiya noon si pablo na nagtatanong sa halaga ng pagpapagamot......sabi ko, hindi nila dapat magbayad....tulong ko na iyon sa kanila....nagulat silang mag-asawa kaya pinaliwanagan sila ni vacion......naiyak na niyakap ako ng mag-asawa kaya pati ako ay nangiti na ring naluha......kami na ni vacion ang nag-asikaso sa sa sanggol buong magdamag."
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Onde histórias criam vida. Descubra agora