Chapter - 37

415 36 109
                                    

" Kinagabihan noon habang nasa harap ako ng ataul ni lola nakaupo at nagbabantay ay dumating ang pamilya ni Arman......nauuna ang mama at papa niya kasunod siya at ang ate niya....dumiretso sila sa harap at nag-alay ng dasal....pinagmamasdan ko si arman habang nasa harap pero ako ay hindi niya tinatapunan ng tingin kaya yumuko na lang ako."

" Ano ba yun lo?! Dinedma ka lang niya! Nakakainis siya hindi ka na nga niya dinalaw sa hospital, ni batiin sa inyong pagtatapos ay wala! Tapos sa mismong bahay ninyo ganun pa rin siya! Sarap dagukan!"

" Apo....hindi ko naman kasi talaga alam kung ano bang nasa utak niya, diko nga alam kung galit siya sa narinig niya na sinabi ni Olivia kung naniwala ba siya. Wala akong narinig mula sa kanya....umupo lang siya sa kabilang hilera at lumapit sa akin ang mama at papa niya...tinapik naman at niyakap ako ng ate niya saka umupo sa tabi ni Arman."
.
.
.
" Emman iho....nakikiramay kami sa nangyari sa lola mo....wala kaming alam sa totoong pangyayari dito....pero itong katotohanang hindi pala sina eliza ang tunay mong mga magulang ay nabigla kami....kaya pala ganun ang pagtrato nila sayo....iho magpalakas ka, alam namin malalagpasan mo ito....natutuwa ako sa tinamo mong karangalan.....maging sa aming anak na si Arman ay natutuwa kami sa tinamo niyang karangalan matalik nga kayong magkaibigan."

" Salamat po tita....hindi po sa ganitong bagay lang ako magpapatalo....mabait po sa akin ang diyos at nakilala ko na po ang tunay kong ina.....hayan na po sila si mama at tito henry."
.
.
.
" Agad nagkakilanlan ang aking mga magulang at magulang ni arman....ipinakilala pa ng mama ni arman siya pati ang ate niya.....muling umupo si arman at ate niya ako naman ay katabi ko na ang dumating na si vacion at celinda.....nag-kuwentuhan ang mga magulang namin na naririnig ko. Tungkol sa mga buhay nila....at ni isang bagay tungkol sa pambubogbog sa akin ng kinagisnan kong pamilya na muntik ko ng ikasawi pero ikinamatay ni lola ay wala akong narinig....tangin narinig ko lang ay malupit talaga sa akin ang kinagisnan kong pamilya."

" So lolo....dedma talaga si Arman? "

" Hinayaan ko na lang apo.....masakit pero pinipigilan kong umiyak hanggang nakaalis na sila....doon na ako niyakap ni vacion ng makita niyang pumatak na ang luha ko..... Maging si mama ay nalungkot ng makita niya akong naiiyak.....alam kasi niya na di ba ang dahilan at si arman kung ano sa buhay ko."

" Alam mo lo....dapat kasi ikaw din mismo kinausap mo siya....parang sa tingin ko ay naghintayan kayo at nagkahiyaan....saka kung tutuusin nabigla siya sa narinig na sinabi ni Olivia....yun lang di natin alam kung pinaniwalaan nya o hindi... Pero dapat di ganun....nagusap kayo dapat."

" Iyon sana apo ang gusto kong mangyari pero hindi nangyari hanggang sa nailibing si lola....wala ang kinagisnan kong pamilya sa libing kundi ang tunay kong pamilya at mga kamaganak, kaibigan ng pamilya at mga tauhan ni lola sa kanyang mga negosyo at lupain....ang lungkot nun apo sobra parang namatay na rin ako.....kung hindi ko siguro nakilala tunay kong ina ay dobleng sakit.....sa tulong nila ay nakarekober ako sa araw-araw... Hanggang sa dumalaw si Attorney Madrigal isang araw....doon ay binasa niya ang last will ni lola....hati-hati ang magkakapatid sa mga negosyo ni Lola sa bayan maging sa maynila....pati mga lupang pagmamayari ng mga Arguelles ay hinati sa kanila.....maging ako ay nabigla dahil sa akin ipinangalan ni lola ang bahay na ito sa akin at lupa niya sa burol. Maging ang share niya sa isang hospital sa bayan ay sa akin niya ipinamana. Sa nakagisnan kong magulang ay tanging isang bahay ang ibinigay ni lola ito ang bahay niya sa maynila."

" Wow! Super yaman pala talaga ng lola mo!"

" Namana din niya iyon sa kanyang pamilya at ang iba ay sa kanyang asawa na namana din at mga naipundar din nila."

" Sa tingin ko lolo......tahimik kayo, at super simpleng namumuhay pero milyonaryo!"

" Sabihin na lang natin apo.....na namana ko na din lahat ng kay mama at sa tiyahin kong madre....pati yung kay Tiyo Rodrigo na pagmamay-ari niya dito sa pilipinas ay ibinenta na lang sa akin noon dahil sa Amerika na sila naninirahan....doon na rin nga ito binawian ng buhay.....maging si mama at tito henry....pero ipina cremate sila para madala dito sa pilipinas at ipinalibing dito....bale nauna si tito henry pala namatay ipina cremate ni mama....tapos nung siya naman namatay ay ganundin ginawa ko at sabay ko silang ibinalik dito sa Pilipinas."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now