Chapter - 8

616 39 104
                                    

Sa hapunan ay masayang nakisalo si Lolo manuel sa mag anak na Montealegre.

" Kain lang po lolo." Si daryll habang pinagmamasdang kumain si lolo manuel na tila magana sa pagkain.

" Salamat sa inyong pagtanggap sa akin dito.....matagal ng panahon na akoy mag isa sa buhay....umaga hanggang gabi ako ay magisang kumakain lamang." Wika ni lolo manuel na may kalungkutan sa tinig.

" Ay ganun po lolo ang lungkot naman....huwag po kayo magalala mula ngayon palagi ka naming iimbitahin dito."

Bahagyang naubo sa pagtawa ang matanda. " Apo huwag naman baka mawili ako niyan...may bahay naman ako at pangako iimbitahin ko rin kayo." Nakangiting pahayag ni lolo manuel.

" Ilan po ba ang anak ninyo lolo?" Tanong ng papa ni Daryll.

Sa tanong ng papa ni Daryll ay bahagyang sumilay ang lungkot sa mata ng matanda. " Dalawa sila....yung kanina siya ang panganay si Lemuel, babae ang isa at nasa ibang bansa may pamilya na rin." Saka muling yumuko at sumubo ng pagkain ang matanda.

" Wala na po ba kayong asawa lolo?" Tanong ng mama ni Daryll.

Bahagyang tumigil sa pagkain si lolo manuel at uminom muna ito ng tubig.

" Matagal na siyang patay.....kinse años pa lang noon si Lemuel...colon cancer ang ikinamatay niya...mula ng mamatay ang asawa ko ay hindi na ako nagasawang muli.....pagkatapos noon ay namuhay na akong magisa sa bahay na iyan."

Sa narinig ay di napigilang magtanong si Daryll. " Ha?! Pero paano pong mag isa kayo, may dalawa kayong anak???"

Matagal bago nakasagot ang matanda kay Daryll.... "Apo......mahabang kuwento sa aking palagay ay hindi pa ako handa para sabihin sa inyo ang lahat....maraming pangyayari noon sa aking buhay na hanggang sa aking pagkakaroon ng sariling pamilya ay tila sinundan ako ng sumpang iyon."

Napailing na lang ang papa at mama ni Daryll....

" Ano man po yun lolo, hindi po namin kayo pipilitin...alam po namin may tamang panahon sa lahat.....pero po yung nakita naming kabastusan na ginawa ng anak ninyo sa inyo ay hindi makatarungan iyon."

" Mga anak.....huwag nyo na lang pansinin iyon....may mga bagay lang kaming hindi pa napapagkasunduan mula noon hanggang ngayon."

" Grabe naman yun lolo! Kung anuman yun, bakit diyos ba siya?" Wika ni Daryll na tila naiinis.

" Pero lolo, paano po kayo nabubuhay ano po ang kabuhayan ninyo?" Napangiti ang matanda sa tanong ng papa ni daryll.

" Sapat ang ipon ko apo mula noon...may mga naiwang mga ari arian ang aking lola dito sa pilipinas. Sa america na rin namatay ang aking mga magulang."

" Hindi na ba sila umuwi dito mula noon."

Umiling lang ang matanda.

" Bunso ako.....at ang mga ari arian nila dito sa probinsiya ay sa akin naiwan.....yung bulubunduking burol na makikita ninyo papasok sa baryong ito ay sa akin ang lupang iyon....malawak ang lugar na iyon at sa babang bahagi nun ay mga pataniman ako ng lanzones at rambutan, may mga niyugan din.....may mga pinagkakatiwalang mga tauhan naman ako doon. Maganda ang tanawin dun apo at isang araw ipapasyal kita doon. Sa ibang lugar din at sa maynila may negosyo din ako. Pati sa bayan, ang pinagkakatiwalaan kong abogado ang namamahala at ilang mapagkakatiwalaang tao."

" Yesss! Sige po lolo."

" Tapusin na natin muna ang dinner at pagkatapos doon tayo sa living rm....ok lang ba sayo lolo? Dito ka muna tapat lang naman bahay ninyo eh." Pangungumbinsi ng mama ni Daryll.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now