Chapter - 14

567 36 86
                                    

Habang nasa sasakyan ay may sinabi si Lolo Manuel kay Daryll.

" Apo, maari nyo ba akong tulungang magkakaibigan?"

" Tungkol po saan lolo?" Tanong ng binatilyo.

" Sa pulong kanina ay wala pa kaming masyadong nagustuhan na mga awiting makabago na magandang pakinggan sa chorale group singing. Gusto ko kasi ay maramdaman ng makikinig ang gustong ipaabot ng kanta. Ayokong basta na lang kayong kakanta ng isang kanta na hindi ninyo ramdam ang ibig nitong sabihin."

" Sige po lolo, pagdating natin sa bahay maghanap po tayo. May internet kami."

" Oyyyy gora kami friend! May net pala kayo. Maki wifi na din at the same time help natin si lolo." Suhestiyon ni ybonne na sinangayunan naman ng lahat at pumayag si Daryll. Samantalang tila di nakikinig si Lucas na abala sa pagkalikot sa cp.

" Hayyy naku matawagan nga si Manang nelia. Magpapaluto ako ng meryenda. Guys gusto nyo ba ng carbonara at garlic bread?"

" Ayos yan pre! Gutom na kami eh! Sagot ni Ali na humihimas pa sa tiyan niya.

" Ang kapal mo pare! Isinabay ka lang ni Daryll trip mo pang makilamon!" Pang-aasar ni Gabriella.

" Alam mo napapansin kita tibo! Mahilig kang mambasag ng trip ko! Kursunada mo ako noh! Siguro di ka talaga tibo at trip mo ako! Hmmmm kunsabagay maganda ka....puwede!" Sabay ngisi at kindat ni Ali kay Gabriella.

" Gusto mo pre ipahinto natin ang van?! Lika sapakan tayo sa daan! Tignan natin kung sinong malakas sa atin! Nakakasuka mga sinabi mo guwaaarrrrkkkk!" Sabay tila nasusuka si Gabriel hawak ang leeg na sinasakal. Tawanan ang lahat habang sige pa rin asaran ng dalawa.

" Oyyy tama na yan andito na tayo! Manong pasok mo na lang po sasakyan tuloy po sila sa bahay."

" Sige po ser!"

" Daryll po manong." Ngiti ni daryll kay manong omar. Ngunit biglang sumigaw si Lucas.

" SANDALI!!"

Nagulat si Daryll.
" Grabe naman neto makasigaw! Ano bang problema mo?!"

" Hindi ako sasama sa loob! Uuwi na ako!"

" Yun lang pala eh!" Sabay bukas ni Daryll ng pinto.

" Oy pre masarap meryenda!" Si Ali.

" Pataygutom!" Sagot ng binatilyo. At bumaba na, napailing na lang si lolo manuel.

Nang makababa ay naglakad na si lucas at pumasok na ang van sa loob. Ngunit habang naglalakad ng nakayuko si lucas ay nakita niya ang isang lata. Sinipa niya ito at tinamaan ang grupo ng asong malalaki na nakahilata sa daanan niya. Bumutil ang pawis sa noo niya at napaatras sa takot lalo pa na nakita niyang tumayo ang dalawang aso at galit na kumahol sa kanya. May phobia siya sa aso kaya mabilis itong nakatakbo at nakapasok sa gate nina daryll na bukas pa habang hinahabol siya ng tatlong aso.

Agad niyang isinara ang gate para di makapasok ang mga aso. At hingal na hingal na nahawakan na nakayuko ang mga tuhod hanggang sa marinig niya ang malakas na halakhakan na walang iba kundi ang kanyang mga kaklase. Agad niyang nakita si Daryll na hawak ang tiyan na halos mamilipit sa pagtawa sa kanya." Grabe takusaso ka pala!" Sigaw ni daryll kay lucas kaya lalong naghalakhakan ang mga kaklase niya.

" Umalis ka na diyan sa gate at lalo kang kakahulan ng mga iyan! Mukhang trip ka nilang lapain!" Asar muli ni Daryll. Walang nagawa si lucas kundi sumunod sa mga ito papasok ng bahay.

Agad silang sinalubong ni Berna. Ipinakilala ni Daryll ang kanyang mama sa mga kaibigan. Ngunit si lucas ay nanatili sa may pinto kaya napansin ni Berna.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now