Chapter - 57

348 33 56
                                    

Kinabukasan ay naroon muli sa hospital ang dalawang pamilya...naguusap nagkukuwentuhan ng mga bagay na natuklasan nila....nakangiti at tila nakalimutang pansamantala ang lagay ng dalawang mahal na matanda kundi ang pagnanais na magkakilala pa lalo sa isat-isa.

Si Daryll naman ay bitbit na ang dalawang bote na ibinigay sa kanya ni Lolo manuel kaya nagtanong mga nakakita. Ipinaliwanag niya ito sa dalawang pamilya na nakangiting naunawaan ang lahat.

" Dito ko na muna ito pa kasi baka magising na sila at pag makita nila ito ay baka lumakas sila."

" Sana nga anak, sana nga."

Nang biglang pumasok ang isang humahangos na nurse.

" Dok!! Proceed daw kayo sa icu kay Mr Armando Capistrano!"

Agad tumayo ang doktor na sumunod ang ibang kapamilya nito. Naiwan sa labas ang pamilya at tanging nurse at doktor ang nasa loob ng icu.

" Dok nagkakamalay na siya at dumidilat....may sinasabi po siya kaso hindi niya mabigkas ng maayos.

Agad sinuri ng doktor ang kalagayan ng matanda. Pilit namang iginagalaw ni Lolo arman ang kanyang mga kamay samantalang ang mga mata ay pilit idinidilat.

Bumuka ang bibig ni lolo arman na pilit nagsasalita kaya inilapit ng doktor ang tenga nito sa bibig ng matanda para marinig ito ng maayos.

" Naaa....saan....ang..mga anak....kooo?"

Sa paputol-putol na pananalita nito ay agad lumabas ang doktor.

" Nagkamalay na siya....pero mahina pa rin....hindi pa masyadong makapagsalit pero naintindihan ko ang sinabi niya....hinahanap niya ang mga anak niya." Pahayag ng doktor sa lahat. Agad kinausap ni Lukas ang kanyang ama at tita luna.

" Pa....kilala na po niya kayo dahil nalaman at nakita na niya kayo ni tita sa cp! Pasok na po kayo dali!"

Nagaalangan man ay sumunod ang dalawa sa doktor na ama ni daryll.

Nang makalapit si Lemuel at Luna ay hindi na napigilan ng dalawa ang maluha ng sa nakitang mukha ng ama....nakangiti ito bagamat may nararamdamang sakit....pilit nitong iniaangat ang kamay at inaapuhap ang mukha ni Lemuel at Luna kaya hinawakan nila ang kamay ng matanda at dinala sa pisngi nito. Makikitang tumutulo ang luha sa gilid ng mata ng amang hindi nakilala at nakasama.

Sa tila nahihirapang kalagayan ay pinilit ni lolo arman magsalita. "Mga....a...nak.....Ar...nel...Jes...sa..........ma....hal na ma...hal ko ka....yo....pa....ta...warin nyo ang pa.....pa....hin....di ko ka....yo na...ka..sama....ma....sa...ya a...ko.....na buhay kayo..."

" Kami din papa.....huwag na kayong mag-alala dahil magkakasama na tayong lahat pati si homer......kaya pagaling ka."

" Ho....mer?....nasaan si....ya."

" Ako po si Homer....doktor po ako....ako ang ama ni Daryll....papa...pagaling kayo...tama si Arnel magkakasama-sama tayong muli." Sabay hawak ng doktor sa kamay ng matanda na naluluha.

Sa narinig ay pumikit ang matanda at humihikbi ito ng mahina.

"Ma.....sa...ya...ako...mag..kaka...sama ka...yo. Ar..nel...jessa....a...lam ko ang la....hat....gus...to kong...hu...mingi kayo....ng tawad kay Em.....manuel sa pa...pa nin..yo."

" Opo papa....pinagsisihan na po namin ang nagawa namin.....pa....pagaling kayo dahil magkikita pa kayong dalawa....di ba mahal ninyo ang isat-isa? Kaya kailangang mabuhay pa kayo ng matagal pa."

Napangiting nakapikit ang matanda.

" Gus....to kong.....makita si Emmanuel....a...lam ko ang nang....yari sa kan....ya....dal...hin nyo a...ko sa kan..ya."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now