Chapter -29

404 30 27
                                    

Sa loob ng silid ni lolo manuel ay binuksan niya ang lahat ng ilaw. Pati mga bintana ay binuksan na rin at hinawi ang mga kurtina papunta sa gilid.

" Wow! Lo ang astig nitong piano ninyo! Ang ganda antigo na to ah!"

Napangiti ang matanda at umupo sa maliit na silya sa harap ng piano.

" Ito ang regalo sa akin ni lola noong kaarawan ko bago ako magtapos ng sekondarya."

Muling tumayo si lolo manuel at tinungo ang isang maliit na kabinet sa gilid ng kanyang kama. Inilabas ang mga lumang album at ipinatong sa kama. Nakamasid lamang na nakatayong kumakain ng cake si Daryll.

" Apo halika......" Lumapit at umupo na rin sa kama si Daryll

" Ito ang mga lumang larawan namin ng pamilya ko noong bata pa ako."

Binuklat nga ni Daryll ang bawat pahina ng lumang album na nangingiti.

" Ang cute nyo pala lolo noong baby kayo....maputi talaga kayo parang sa lola nyo po kayo nagmana ng pagkatisoy. Mestisa po siya....samantalang ang mama mo ay hindi gaanong halata...pati na rin ang papa ninyo at kuya...pati kuya at ate ninyo po ay hindi gaanong mestiso at mestisa."

" Sabi nga nila noon....pero ang mga ang mga tiyuhin at tiyahin ko sa lola flora  ko ay  mestiso at mestisa sila."

Nagpatuloy sa pagbubuklat ng album si Daryll.

" Ang istrikto naman tignan ng mga magulang mo lo.....hindi sila ngumingiti............. Ay....malaki ka na dito lolo.....elementary."

" Grade 1 na ako diyan.....yang isang batang babae diyan si Salvacion."

" Maganda nga siya lolo bata pa...."

Hanggang sa isang larawan ng tatlong bata na naka school uniform ang nakita ni Daryll.

" Alam ko ito!" Nakangiting tingin ni Daryll sa matanda. " Si Salvacion sa gitna at ikaw ito sa gilid at ito naman si Arman! Hmmmmmm! Cute nga siya lolo....pero mas cute kayo sa kanya noong bata pa kayo."

Napangiti na lang si Lolo manuel habang ipinagpapatuloy ng binatilyo ang pagbuklat sa album. Hanggang sa.....

" Malalaki na kayo dito lo....highschool na kayo! Mas gumanda na si salvacion at gumuwapo lalo kayo ni Arman!"

" Oo apo...halo-halo na yan mga larawan namin noon dito sa bahay. Sa bahay nina arman o salvacion....sa labas kung namamasyal at sa eskuwelahan."

Hanggang sa natapos na lahat tignan ni Daryll mga lumang album at ilang larawan na hindi nakalagay sa album.

" Lo.........bakit wala po kayong larawan ng magtapos kayo ng Highschool???"

Tumayo muli ang matanda at umupo sa tumba-tumba niya sa tabi ng kama.

" Gusto mo pa bang malaman kung bakit?"

" Opo lo.....nagtataka lang kasi ako....isa po kayo sa nangunguna sa school ninyo.....hindi po ba kayo nagtapos o hindi lang nagpakuha ng larawan?"

" Makinig ka apo.....itutuloy ko na ang aking kuwento tungkol sa aking kabataan at kung bakit wala kang nakitang larawan ng aking pagtatapos...."
.
.
.
.
.
.
------------------------------------------------------
" Sa pag-iwas ko noon kay arman ay ako ang sobrang naapektuhan. Walang araw na tila gusto ko ng sumuko at harapang sabihin sa kanya ang aking nararamdaman. Litong-lito na ako at maging ang aking mga kaibigan ay nag-aalala sa akin dahil ang tahimik ko na at nakita nilang hindi ako masyadong nakatuon sa pag-aaral kung saan magtatapos na pa naman na kami.........Nasasaktan ako sa loob ng silid aralan kapag nakikita ko na magkatabi si Olivia at Arman. Lalo pang pinatindi kapag nagbibiruan ng sinasabihan si Arman na ligawan na niya si Olivia. Doon ko napagtanto na hindi pa talaga nililigawan ni Arman si Olivia. Si Olivia naman ay tila nangingiti at nasisiyahan sa kanyang naririnig....tumitingin pa siya sa akin na di ko mawaring tinging may gustong ipahiwatig kaya ibinabaling ko ang atensyon sa ibang bagay..........Hanggang sa isang araw kumalat na ang balitang nililigawan na ni Arman si Olivia.
.
.
.
Tila gumuho ang mundo ko ng panahong iyon........ilang linggo bago ang seniors night namin."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now