Chapter - 28

370 31 21
                                    

Sa pagdaan ng mg araw kapag nakakakuha ako ng pagkakataon ay umiiwas ako kay Arman. Kinausap ko na rin ang mga kaibigan ko na huwag akong iiwan at palagi lang sila kung maari sa aking tabi. Hindi naman nila ako binigo sa kabila ng aking nadaramang lungkot.

Nakikita na rin namin kung paanong gumagawa ng paraan si Olivia para hindi lumapit sa amin si Arman. Gusto ko man ganun para makaiwas ako ngunit ibayong paninibugho ang aking nararamdaman na makitang tila masaya silang magkasama. Pakiramdam ko sinasaksak na paulit-ulit ang aking kalooban na hindi ko alam kung hanggang kelan ko kakayanin ang nararamdamang sakit.

Sa paglipas ng araw ay palapit na ng palapit ang aming pagtatapos. May lumalabas ng usapan na si Salvacion pa rin ang valedictorian at ako ang salutatorian. Gustuhin ko mang manguna para sa aking mga magulang para ipagmalaki nila ako ay talagang wala akong laban sa kaibigan ko. Matalino talaga siya.

Minsan nagkakausap kami ni Arman pero panandalian lang palagi umiiwas ako. Hindi rin nakakatakas sa aking pakiramdam ang tila pinagmamasdan at pinakikiramdaman niya ako. Hindi katulad noong mga bata pa kami ay nagkukulitan kami kapag di umiimik ang isa pero ngayon iba na.

Buwan ng Pebrero at idinaos ang programa sa aming paaralan para sa mga magtatapos ito ang Seniors Night.
------------------------------------------------------

" Seniors Night?!"

Tanong ni Darryl kay Lolo Manuel. Kaya naputol ang kanyang pagkukuwento.

" Oo apo....tuwing Pebrero kasi ito ginagawa kasi pagdating ng marso ay abala na ang lahat para sa pagtatapos. Mga proyekto at mga eksam."

" Ah.....hindi po ba kayo nag JS noon lolo?"

" Hindi Iyan uso noon sa paaralan namin Apo."

" Ay ganun po....parang ang kj naman pala. Iyon lang pagkakataon para magkakilanlan at ma enjoy ng mga seniors ang kanilang pagtatapos. Para na din pag welcome sa mga juniors na magiging seniors na."

" Ganun talaga apo noon.....may mga iba pa naman programa noon para sa lahat at katunayan nasasali ako palagi sa pagtugtog ng piyano at gitara. Pati si Arman ay gayundin. Miyembro din siya ng koral noon. Ako sa piano lang apo at ibang instrumento. Hindi kagandahan ang boses ko."

Natawa si Darryl sa sinabi ni lolo manuel.

" Pareho pala tayo lolo.....pinagkaitan ng magandang boses....pero ok lang ganun talaga. Hindi lahat ng magandang bagay ay ibibigay sayo."

" Tama apo.....parang sa pag-ibig lang iyan....minsan may mga pag-ibig na hindi talaga para sa isat-isa."

Daryll's POV

Sa sinabi ni lolo ay natigilan ako. Base sa kuwento niya ay may damdamin siya para sa kanyang kababata. Unti-unti ay binubuksan na niya ang pagkatao sa akin. Nakaramdam ako ng awa at lungkot. Hindi kami iba ni Lolo Manuel......pareho ang damdaming meron kami na kung ituring ng mapanghusgang lipunan noon at maging ngayon ay kahihiyan. Mapalad pa rin ako na kahit ganito ako ay tanggap ako ng pamilya ko. Pero si lolo....sa pagkakakuwento niya kahit hindi pa niya nasabi ay maaring hindi siya natanggap ng kanyang pamilya. Ang saklap naman.....si Arman ano kayang damdamin meron siya kay lolo noon?....saan na kaya ang taong iyon.

Nang biglang may kumatok sa silid ni Daryll.

" Anak ang mama mo ito."

" Pasok po kayo mama..."

" Ay Good evening po lolo, nandito pala kayo."

" Magandang gabi din anak....akoy naimbitahan ng anak mo kaya nandito ako. Nagkukuwentuhan lang kami tungkol sa mga buhay-buhay. Ang buhay ko noong aking kabataan."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now