Chapter - 21

492 35 134
                                    

Matapos ang meryenda ay nagtungo kaming muli ni Arman sa bakuran. Hindi na kami naghabulan bagkus ay inaalalayan pa niya ako sa aking paglalakad hawak sa aking kamay.

" Bitiwan mo na lang ang kamay ko arman di naman ako lampa noh! Nadapa lang ako bigla kanina kasi napagod na ako."

" Huwag ka nga! Inaalalayan lang kita papunta dun sa may mangga. Dun kita tuturuan ng gumamit ng tirador."

" Ganun ba sige!" Agad na kaming naglakad at ako pa mismo humila sa kamay niya."

Agad siyang namulot ng maliliit na bato at ibinala sa tirador at nagpakitang gilas sa akin kung paano gumamit nito. Napanganga ako dahil magaling siyang umasinta nagawa niya tamaan ang tangkay na may bunga ng mangga kaya nahuhulog ang mga ito sa damuhan na walang sira.

Hanggang sa ako na. Ibinigay niya sa akin at nilagyan ko na ng bato.

" Ano ba yan anlamya mo naman, para kang hindi  lalake, bilisan mo."

" Anyabang mo porke magaling ka na eh! Bago lang sa akin ito kaya di pa ako sanay!"

Agad akong tumarget. Bigla na lang tumawa ng malakas si Arman sa ginawa ko dahil halos di umabot yung bato sa tangkay ng target ko.

Tawa lang siya ng tawa sa bawat pagnanais kong makatama ay wala ni isa akong tinamaan.

" Yang bibig mo na lang kaya arman ang asintahin ko! Nakakapikon ka! Imbes na turuan mo ako ng maayos pinagtatawanan mo ako!"

" Ang pikon mo naman! Ganito kasi iyan!" Kumuha ng bato si arman at ibinala niya sa tirador. Ipinahawak niya sa akin at saka pumatong mga daliri niya sa daliri ko. Sa puluhan ay ganun din ginawa niya ipinatong niya kamay niya sa kamay ko at sabay naming hinila at umasinta kung saan nasa likod ko siya at iginigiya ang aking katawan at mga kamay sa target. Hanggang sa sinabi niyang. " Tira!!!" Sabay naming binitiwan at tumama ang bato sa tangkay na may maraming mangga na nalaglag kaya tuwang tuwa ako. Tumakbo si arman at pinulot mga nalaglag. Umulit pa ako ng umulit hanggang sa tila nagagamay ko ng humawak ng tirador. Kumakain kami ng mangga ng biglang may sumigaw sa gate.

" EMMAN! EMMAN! EMMAN! NANDITO NA AKO!"

Agad akong tumayo sa pagkakaupo sa damuhan at tumakbo sa gate na sumisigaw.

" Yeheeeeyyyy! Salvacion nandito ka na ulit may kalaro na ako!" Agad kong pinapasok si salvacion sa bakuran. Napakaganda ng kanyang damit at ang ayos ng kanyang buhok.

" Nanabik akong makita kita ulit Emman."

" Ako rin salvacion! Kailan kayo dumating?"

" Kagabi lang. Sa tren kami sumakay mula maynila. Alam mo na malapit na ang pasukan kaya bumalik na kami nina mama,papa at mga kapatid ko."

" Mukhang ang saya mo dun?!"

" Oo! Madami kasi kaming pinuntahang lugar. Kaso walang masyadong kalaro ako dun. Kaya nanabik akong makauwi para makapaglaro ulit tayo bago ang pasukan."

" Ako din salvacion. Halika ka doon tayo sa may mangga ipapakila kita sa kaibigan ko at kapitbahay natin. Magiging kaibigan mo na din." Nagaatubili man ay lumapit si Salvacion kay Arman na abala sa kakakain ng mangga.

" Hoy arman matakaw! Si salvacion matalik kong kaibigan at kababata." Ngumiti lang si Arman at itinaas baba ang kilay kay Salvacion.

" Pasensyahan mo na yan matakaw kasi yan may bulate sa tiyan! Diyan yan nakatira sa tapat namin."

" Hindi ba siya napapagod ngumuya? Ang bilis ng pagnguya niy ng mangga."

" Hayaan mo na! Doon na lang tayo sa loob."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon