Chapter - 50

409 31 113
                                    

50 Chapters na po tayo....maraming salamat mga readers sa pagbabasa at votes.

XenaArmenta yataiomni benedictG2 Torikara davinciboi VhonHyronBoquiren se7en2 E_L_I_A_H ronielyndelarosa jhavril AndrewDave_22 spyeri
annavi16 MirloDaSilly IamUnrequited

------------------------------------------------------

" Nakatakas ako!"

" Ilang taon po kayong nakulong?" Tanong ni Lukas.

" Halos magdadalawang taon din iyon.....nakakulong ako pero walang kaso....sinasabi ng mga humuli sa akin na sumusuporta daw ako, kami ng mga kasama ko sa mga rebeldeng nasa bundok....ng panahong iyon ay mga aktibista lang kami....disinuebe lang yata ako......madaling araw iyon natatandaan ko pa....magbabagong taon at ang mga bantay ay may salo-salo naginuman kaya nakagawa kami ng paraan makatakas kasama ang dalawang hindi ko kilala na nakakulong din doon....mas may edad sila sa akin. Nang makatakas at makalayo ay doon ko na nalaman na nasa Tarlac kami....ang dalawa kong mga kasama ay mga rebeldeng nahuli pala....hinikayat nila ako na sumapi pero hindi agad ako nagdesisyon. Gusto ko munang makabalik sa pamilya ko at malamang buhay ako.....at gusto ko ring makabalik sa Lopez. 1970 na yata ng panahon na iyon.....ang dalawa kong kasama ay humiwalay na sa akin sila ay galing daw sa mga kabundukan ng Sierra Madre at doon may kuta sila.....ako naman ay patagong bumalik sa Maynila sa aming bahay.....ngunit sarado na ito....at tila matagal ng nakakandado. Nakita ako ng isang kakilala doon at itinago niya ako pansamantala at nalaman ko na sa takot, lungkot at pag-aalala sa akin ng aking pamilya na inakalang patay na ako ay nangibang bansa na sila. Tinulungan niya ako na makapasok sa dati naming bahay at doon patago akong nanatili ng mga ilang araw....inihanda ko nga importante kong kagamitan na aking nakuha pa rin doon.....mga sulat, mga larawan ng aking pamilya, ng aking mga kaibigan na siyang pinakamahalaga sa akin. Hanggang sa nagdesisyon akong umalis dahil nakita ko ang isang mobil ng pulis sa harap na umaaligid......buo na ang desisyon ko na lumayo....wanted na ang tingin sa akin ng batas.....kaya sa huling pagkakataon ay bumalik na nga ako ng Lopez na palihim at walang maaring makakilala sa akin.

" Dioskuupuu! Hindi po kayo nahuli at nakarating kayo ng Lopez?" Si Daryll na hindi na mapigil ang excitement at nawala na ang antok.

" Hindi iho....palipat-lipat ako ng sasakyan at patago talaga.....hanggang sa nakarating ako sa bayan at walang nakakilala sa akin sa baryo.....nalungkot ako sa aking nakita....ang bahay namin at bahay ng aking kaibigan ay sarado at tahimik....alam ko na may mga nag-aalaga pero iba yung dating sigla nito noong nandito pa kami ng aking kaibigan.....nakita ko noon ang mga punong mangga at hitik ito sa bulaklak, ngunit isang puno sa may dulong bahagi ng bakuran ang tila naiba sa lahat.....alam ko iyon ang punong mangga na itinanim namin ng aking kaibigan noong kami ay labindalawang taon pa lamang...
.
.
.
" Oy Arman ayusin mo nga paghukay ng lupa....kailangang maayos pagkatanim natin nito para mabuhay siya at mamunga ng marami!"

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon