Chapter - 32

445 34 48
                                    

Sa mga patuloy na sumusubaybay at nag-aabang, bumuboto, nagkokomento maraming salamat sa walang sawang suporta.

ronielyndelarosa, sumgue,yataiomni,benedictG2,Torikara,davinciboi,VhonHyronBoquiren,se7en2,E_L_I_A_H,jhavril, spyeri,AndrewDave_22,annavi16. Kay GeoMarLou na hindi nawala tulad ni ronielyndelarosa mula umpisa akong magsulat salamat :) sa mga kosa ko sa kalokohan dito alam nyo na yun kung sino kayo....meri xmas :)

Sa mga silent readers, mga followers at bagong followers merry christmas happy new yr! :)
------------------------------------------------------

Usapan nga ng buong paaralan ang naganap na panununtok ni Arman kay Pablo....pero higit ang kahalayang ginawa ni Olivia at Pablo....pati si Ador ay pinatawag din. Hindi na ako idinamay ni Ador sa nangyari, sinabi niya siya nakakita. Maski mga kaibigan namin ay hindi na lang kumibo."

" Bakit po lo? Ang pamunuan na mismo ng paaralan kumausap sa kanila?"

" Oo....kasi ng umagang iyon isang babaeng estudyante din ang galit kay olivia ang pinagtawanan at may mga sinabi kay olivia, sa galit ay nakipagsabunutan ito....ayun bilang patotoo ipinatawag si Ador, pablo at olivia pati mga magulang ni pablo at olivia....pero alam ni Olivia na isa ako sa nakakita din....may galit ang tingin niya sa akin ngunit hindi lang siya umiimik."

" Grabe nakakahiya, eskandalo yun lo!"

" Oo apo....pero alam mo ba tila wala lang ito kay olivia....mataas pa rin tingin niya sa sarili, tila hindi siya nahihiya........nang araw din yung ay bumalik ang samahan namin ni Arman kasama ang mga kaibigan namin."

" Wow ang saya naman!"

" Pero si Olivia ay hindi tumigil....tila nais niyang bumalik sa kanya si Arman....kasehodang ipagtabuyan na siya nito at pagtawanan ng mga kaibigan namin at mga kaklase."

" Malandi kasi lo! Baka naghahanap na naman ng pangkamot at kinakati!"

" Ikay luko-luko apo....ang dami mong alam." Naiiling na natatawa na lang ang matanda.

" So after nun lolo, anong ganap pa?"

" Bumalik sa dati ang masayang samahan naming magkakaibigan. Nalaman na rin namin na hindi pala tama ang balita na si Salvacion ang Valedictorian..."

" Eh sino po???"

" Ako apo....ako ang valedictorian ng taong yun....anlapit lang daw ng grado namin ni Salvacion. Pero nanguna ako....nasa top 10 si Arman...pati si Alicia at Ador kaya tuwang-tuwa kaming lahat."

" Wowwww! Ang galing mo naman lo!"

" Sinabi ko iyon kay mama at papa.....pero isa lang sabi nila..."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now