Chapter - 46

384 30 26
                                    

Papasok ng pinakasentro ng bayan ng Lopez ay nakahinto ang mga sasakyan....may checkpoint at may mga sundalo....isa-isang pinapaalis ang mga sasakyan matapos ang pag inspeksyon sa loob at labas ng mga bus.....bumaba na lang at naglakad sina Dean, Dionne at Ivan patungo sa pinakasentro.....agad nang kinuha ni Dean ang cellphone niya dahil nangangamba siya sa nakikitang kaguluhan mga ambulansya na parating, bumbero at mga trak ng sundalo pati mga pulis......ngunit hindi niya makontak ang cp ng kanyang papa at mama.

" Hindi ko sila makontak dionne!"

" Pare ano to? Parang may shooting dito ah!

" Umayos ka nga Ivan! Nilusob daw ng mga NPA ang police headquarters! Nadamay pati munisipyo at may sunog na rin yata dahil sa pagsabog! Maraming patay yata kaya huwag kang parang tanga magreak diyan! Napaka-insensitive mo pare!"

Napataas na lang ng kamay si Ivan na ngumiwi.

" Di ko rin kuya makontak! Teka si Manong Omar baka may alam!"

" Hello Mam?!"

" Manong hindi ko po kasi makontak si mama at papa! Nasaan po kayo at sila?"

" Naku mam nasa hospital kami ngayon! Nilusob po ang headquater ng pulis at binaril po si lolo manuel ng isang rebelde dahil naroon po ito sa lugar!"

" Oh my God!"

" Hindi nyo po makakausap ang papa at mama ninyo kasalukuyan po silang kinakausap ng mga opisyal ng militar at media!"

" Ha?! Bakit?!!"

" Mam.....huwag po kayong mabibigla.....tinangay po si sir daryll at ang kanyang pitong kaibigan! Ginawa po silang hostage at kasalukuyan po ay hindi na silang lahat makontak!"

" Oh my God!!!! Sige manong papunta na kami diyan!"

" Ano bang nangyari Dionne?!!"

Hindi makapagsalita si Dionne na umiiyak na...

" Kuyaaaaa! Si Bunso tinangay ng mga rebelde kasama ang mga kaibigan niya!"

" Ha?!!! Paanong???!!"

" Nasa hospital si mama kasama si papa kasi nabaril din daw si lolo manuel! Kinakausap sila ng mga opisyal ng militar at ng media!"

" Ano?! Dali bilisan natin hayan ang trysikel!"

" Teka pare! Akala ko ba nandito si Benj?!"

" Ang dami mong satsat! Sumunod ka na lang! Nasa panganib ang kapatid ko!"

Walang nagawa si Ivan kundi sumakay na rin at mabilis ding nakarating sila sa hospital.....agad silang nakita ni manong omar at binalitaan ng pangyayaring alam nito...sinabi din nito na isang kaibigan ni Daryll ang hindi natangay ng mga rebelde at iyon ay si Yuan na kasalukuyang naroon din at kinakausap ng media.....lumapit dito si Dean, Dionne at Ivan na kasalukuyang kinakausap ng media.

" Iho....anong ginagawa ninyo ng mga kaibigan mo ng biglang sumabog at nagkaputukan na?!" Tanong ng isang reporter.

May pangamba at takot pa rin sa boses ni Yuan dala marahil ng trauma sa naganap.

" Ah....eh....kasalukuyan po kaming naglalaro sa park ng aking mga l kaibigang si lukas at ali... Sina Daryll, naman po at ilang kaibigan din namin ay naghihintay po yata ng bus....pasasakayin yata nila ang bisita ni lolo manuel."

" Ibig mong sabihin may bisita si lolo manuel na nakasama sa mga hostage?!"

" Opo......si Benj po...Benjamin po pangalan at diko na po matandaan apelyido...kasi bihira ko naman makausap at bago lang dito."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now