Chapter - 42

430 31 45
                                    

Maghahatinggabi na ng matapos magkuwento si lolo manuel ng kanyang naging buhay sa nakaraan. Naging malinaw na ang lahat kay Daryll at sa kanyang mga magulang kung anong buhay meron ngayon si lolo. Labis silang humanga sa tatag nito sa kabila ng pinagdaanan mula pagkabata.....pagkamuhi naman sa itinuring nitong mga anak na si Lemuel at Luna......nakumbinsi na rin ni Daryll ang matanda na magperform sila sa darating na grandparents day event ng school. Alam ni lolo manuel na hinding-hindi siya nanaising makasama ng kanyang apo na si lukas sa araw ng mga lolo at lola. Pasko, kaarawan niya, bagong taon o anumang okasyon ay hindi nga siya makuhang batiin ano pa kaya ang imbitahin.....ngunit sa kalooban ni lolo manuel ay nagdarasal siya.....umaasa na balang araw ay kikilalanin siyang muli ng kanyang mga anak at para na din makilala na niyang lubusan ang kanyang mga mahal na apo.

Muli ay inihatid ng binatilyo ang matanda sa tahanan nito at nagpaalam na.....bago isara ni Daryll ang gate ay hinintay pa niyang makapasok ng pintuan ng bahay ang matanda......napabuntunghininga siya habang pinagmamasdan ang tahanan nito.....para sa binatilyo ay ang kagandahan nito ang nakikita niya dahil sa sinaunang estilo at matatag pa rin....pero lungkot ang bumabalot dito.....pinagmasdan ni Daryll ang bakuran ng kaharap na bahay at pumikit na para bang iniisip niya na naroon ang dalawang batang nagkukulitan na naninirador ng mangga na walang iba kundi si Emmanuel at Armando.

Daryll's POV

" Nasaan ka na kaya lolo Arman....haissssstttt sana naman buhay ka pa.....kinalimutan mo na ang bestfriend mo ang mga pangako mo sa kanya......mahal mo kaya si lolo manuel katulad ng pagmamahal niya sayo noon pa man hanggang ngayon?......sana lang hindi pa huli ang lahat at muli kayong magkita.....hindi man nasabi sayo ni lolo na mahal na mahal ka niya....alam ko na alam mo na ang pagkatao ni lolo noon pa man....sana nanatili ang pagkakaibigan ninyong dalawa.......marahil natakot ka lang siguro o nabigla sa mga pangyayari noon. Pero alam ko na malaki ang respeto at pagmamahal mo kay lolo bilang isang matalik na kaibigan at kababata.
------------------------------------------------------
Isang araw ay hindi nakita ni Daryll ang matanda.....tinawagan niya ito sa cp at nalaman niyang nasa Maynila daw ito.

" Mga tatlong araw lang ako dito apo."

" Ano bang ginagawa mo diyan lo?"

" Binisita ko lang Opisina ng mga negosyo ko....dito kasi sa maynila ang main office. Minsan sumasama ako sa mga meeting para alam ko ng harapan ang mga nagaganap maliban sa mga report sa akin sa email."

" Diko pa nga talagang kilala kita  lo, gala ka din pala....karamihan kasi sa mga lolo at lola ay sa bahay na lang mag-asikaso ng apo o anumang mapaglibangan pero ikaw...bisi-bisihan ang buhay."

Natawa ang matanda sa kabilang linya.

" Kelangan apo.....wala namang mag-aasikaso nito sa pamilya ko kundi ako.

" Eh di ikaw na lo!.....basta pagbalik mo magpa-praktis na tayo ng performance natin!"

" Walang problema apo.....ano bang gagawin natin?"

" Kakanta tayo at mag-gigitara! Maski hindi kagandahan boses ko magpa-praktis ako ng mabuti! Ikaw din lo."

" Ikaw lang apo.....ako naman may boses din....pangmatanda na nga lang."

Sabay tawa muli ni lolo manuel sa kabilang linya.

" Inaasar mo yata ako lo eh! Sige ikaw na rin ang magandang boses, ikaw na lahat!"

Sabay na nagtawanan ang dalawa.

" Pangako apo pagbalik ko pagiigihan natin ang pageensayo para masiyahan mga nanonood."

" Dapat lang lo!.....sige po goodnight na lo.....gagawa pa ako ng assignment ko."

" Sige apo...goodnight din."
------------------------------------------------------
Sa school ay naging abala na nga ang mga event officer sa  pagpaplano....nalaman na rin ni Ybonne na si Lolo manuel ang major sponsor kaya agad niya itong ibinalita sa mga kaibigan habang nagkululitan dahil wala pa ang guro nila.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now