Chapter - 16

489 33 33
                                    

Daryll's POV

Naging palaisipan sa akin ang binitawang pahayag ni lolo manuel ng huli kaming magkausap. Ngunit sa paglipas ng mga araw ay medyo nawala ito sa aking isipan dahil naging abala ulit ako sa school. Naging kilala ang grupo namin dahil daw sa pagkakapanalo at magandang performance. Marami pang nakipagkilala sa aking mga bagong kaibigan kaya ako ay natuwa.

Sa mga nagdaang araw din ay mas natuto na akong gumamit ng violin. Maging sa school at sa bahay. Minsan pa nga ay sinasabayan ko si lolo manuel sa gabi kapag nagpa-piano siya, ako naman ay violin o piano din sa bintana lang kami at nagkakawayan.

Ngunit isang bagay ang aking napansin sa aking kaklaseng si Lukas....naging tahimik siya mula ng sumunod na araw pagkatapos ng intramurals. Hindi na siya nakikipagbiruan at hindi na rin ako inaasar. Minsan nahuhuli ko pang nakatingin sa akin ng di ko mawari kung bakit. Pag tinignan ko naman siyang nagtatanong ay ibabaling niya ang tingin sa iba o yuyuko.

Aaminin ko.....misteryoso din sa akin ang pagkatao ni lukas, katulad ng kanyang lolo manuel. Sa klase naman ay talagang maski iba si lukas ay isa ito sa matatalino sa amin. Minsan ay para bang gusto ko siyang lapitan o kausapin lalo na pag nakikita ko siya mag-isa sa isang sulok na tila malungkot na nagiisip.

" Friend....alam mo iba na talaga ang nararamdaman ko sayo...iba na hayyyyy!" Biglang sabad ni ybonne minsang napatingin ako kay lukas.

" Buang ka! Di tayo talo! Sinabi ko na yan sayo noon pa!"

" Assumero ka naman! Di iyon ang ibig kong sabihin!"

" Bakit ba?!"

" Napapansin ko kasi na napapadalas ang ligaw tingin mo kay lukas." Sabay kagat pa ng ibabang labi nya si Ybonne.

"Ay buang ka nga kung ano-ano napapansin mo! Mabuti pa ayusin mo na ang kung ano ang magiging event natin sa September. Isa ka sa officers di ba para sa mga event ng school kaya umayos ka!"

" Ang syungettt! Diyan ka na nga! Enjoy sa pagiimadyin friend!" Ngiting paalam ni Ybonne sa kaibigan.

Napansin ko din na tila umiiwas si lukas sa amin at sa ibang estudyante. Lapitin siya ng mga babae at nakakainis tignan lalo na ang lalandi ng iba. Ngunit nitong nakaraang mga araw ay nag-iba at di siya namamansin. Minsan ay nasa library lang o music rm at nagpapatugtog ng mga instrument.

Kaya minsan isang araw ay di ako nakatiis at pumasok ako sa music room nang makita ko siyang nag-gigitara. Breaktime yun at nagpunta ako sa cr at nadaanan ko ang music rm.

Nakatalikod si lucas sa stage kaya di niya naramdaman ang pagpasok ko. Natuwa ako dahil magaling siyang mag-gitara.

Nang matapos siyang tumugtog ay pumalakpak ako at nagulat siyang napaharap. Biglang kumunot ang kanyang noo. Kaya ang ginawa ko ay tumalon akong paakyat ng stage at umupo sa harap ng piano na nakangiti.

" Bakit ganyan ka makatingin sakin?! Sayo ba ito? Bawal ba akong pumasok dito?!"

Sumagot itong naiinis. " Nakita mo ng nandito ako eepal ka pa diyan sa piano!"

" Ang butas ng ilong mo lumalaki! Ano naman kung andito ako gusto mo showdown tayo! Mag piano ako mag-gitara ka!"

" Wala akong panahon sa kalokohan mo! Labas ka na nga!"

" Takot ka lang kasi baka di mo ako kayang sabayan sa tutugtugin ko!"

" Ganun! Yabang netohh ah! Akala mo sakin mahina sa music?! Panong napunta ako sa star section kung mahina ako!"

" Dami mong satsat! Wala akong sinabing wala kang karapatan sa star section! Sabayan mo na lang ako kung magaling ka nga!"

Sinimulan ko ang pagtipa ng tiklado ng piano na nakangiti....tinignan ko si lucas pero isang ngising naghahamon ang ibinigay niya sa akin. Hanggang sa nagulat na lang ako na sumabay na siya sa tinutugtog ko kung saan piano at gitara na. Nakangiti itong nakatingin sa akin na hindi ko natagalan. Hindi ko maintindihan sarili ko sa oras na titigan niya ako ay ako agad ang bumabawi pakiramdam ko tinutunaw niya ako sa titig niya. Hanggang sa pagkakayuko ko sa piano ay nabigla ako sa aking narinig kumakanta si lucas at pagtingin ko ay nakapikit ito na nag-gigitara. Nataranta ako at muntik na akong magkamali sa pagtitig sa mukha niya habang kumakanta. Maganda ang boses ni lucas bagay sa kanya ang kanta.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now