EPILOGO

500 34 15
                                    

Mabilis na naglakad ang dalawang bata patungo sa direksyong hindi pa pa nila napupuntahan. Bakasyon at wala silang nasa isip kundi magsaya at gumala.

Narating nila ang tawiran ng tren sa highway at sila ay huminto.

" Nakasakay ka na ba ng tren Arjon?"

" Oo naman Ethan! Kapag pumupunta kami ni papa at mama sa kamaganak namin sa Laguna diyan kami sumasakay, kasi nasa malapit lang na estasyon ng tren ang bahay nila sa Biñan Laguna."

" Masarap bang sumakay?"

" Oo! Kaya lang nakakahilo pag maalog parang ganito!" At umakto pang naalog ang katawan si Arjon.

" Ang O.A naman nun arjon ginawa mo....wala naman siguro ganun kalakas na alog, baka tumalbog na palabas ng tren ang mga tao pag ganun!"

" Ito naman ang KJ! Eh gusto ko ganun! Dali tawid na tayo....yung mangga baka mahulog daliiiiii!"

Nang makatawid ng riles ang dalawa.

" Ay ang ganda dun sa bandang burol na iyon Arjon! May mataas pa na crucifix!"

" Diyan tayo pupunta! Hindi ko pa napupuntahan yan, pero balita ko may nilibing diyan noong nakaraang taon. Ang daming tao nga noon ng makita ko....si papa at mama ay nakipaglibing dahil mabait daw na tao yung namatay kasi yung pinagtatrabahuan ni ate sa bayan ay siya ang may-ari."

" Ay ganun! Dali bilis tignan natin! Ay teka hindi ba nakakatakot kasi puntod iyon?"

" Sus! Huwag kang matakot Ethan! Kasama mo yata ako! Pag may momoo titiradurin ko sila!"

" Moomoo na sila Arjon wala ng body noh!"

" Dami mo naman alam! Bilisan mo na nga!"

Mabilis na naglakad ang dalawa bitbit ang nasa plastik na mangga. At tinungo na nga ang pinakatuktok ng burol.

" Huwaaawwww ang ganda pala dito Arjon!"

" Oo nga! Ngayon lang kasi ako napunta dito eh! Ang ganda may kubo pa....ang dagat ang highway at yung riles ng tren kitang-kita dito ang ganda!"

Hanggang sa nilapitan na ng dalawa ang puntod na malapad ngunit may isang lapida at sa unahan ay ang krus na mataas na kulay puti.

Beyond Mind, Beyond Time and Beyond Space.
There are Soul's of the Second Mile

Emmanuel Montecillo
Born
December 25, 1950
Died
September 11, 2016
+

+++++++++++++

Armando Capistrano
Born
March 16, 1950
Died
September 11, 2016
----------------------------------

" Ay dalawa sila dito Arjon?!"

" Oo nga! Matanda na pala sila!"

" Pareho silang lalaki....pero hindi magkapatid kasi magkaiba ang apelyido."

Sabay na umupo ang dalawa sa harap ng lapida at kumuha ng mangga.

" Wala tayong pangbalat Ethan! Ngatain na lang natin!"

" Ok lang arjon! Matibay naman teeth ko....kaso ikaw mukhang hindi...tignan mo ang ipin mo may mga sira sa harap! Hilig mo kasi sa tsokolate ano?"

" Oo paborito ko yun! Wag mo na nga pansinin ipin ko ipapabunot na nga ito ni mama bago para sa pasukan may tutubo ng bago."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now