Chapter - 24

432 29 41
                                    

Dumating ang araw ng pasukan at naging kaklase nga namin ni salvacion si Arman. Kaming dalawa ng aking kaibigan ang naging kasa-sama ni arman sa paaralan dahil hindi pa nito kabisado.

Madaling makibagay si arman sa mga kaklase namin kaya nakagiliwan agad nila ito. Sa pagdaan ng mga araw at buwan ay unti-unti naming nalaman na matalino si Arman. Nakikipagsabayan siya sa amin ni salvacion sa pangunguna sa buong klase. Ikinatuwa ko yun pero tila si salvacion ay naiinis pa rin dito lalo na kapag kami ni Arman ang magkasamang pumapasok at naiiwan siya.

Magaling din sa larangan ng musika si arman ngunit mas higit na magaling siya sa mga oratorical contest. Maging sa mga debate ay sumasali talaga siya. Minsan nga ay nagkalaban pa sila ni salvacion at natalo niya ito kaya naiinis lalo ang kaibigan ko kay arman.

Ganun ang naging takbo ng buhay naming tatlo sa elementarya. Ngunit hindi naalis ang pagiging istrikto ng aking mga magulang sa akin. Napipilitan lang silang makipaglaro ako kapag nagpupunta si salvacion at arman sa bahay para makipaglaro sa akin. May mga pagkakataon din na nakakalaya ako na nakakapaglaro sa bahay ni salvacion o kaya ni arman.

Dumaan pa ang mga araw at buwan at bakasyon na nasa bahay na ulit ang aking dalawang kapatid. Sa hapag ay pinaguusapan nila ang gaganaping ika-labingwalong taon kaarawan ni ate. Tahimik lang ako na kumakain habang pinakikinggan sila.

Katulad ng dati ay ang usapan ay pagyayabang lang ng aking magulang sa kanilang mga kakilala at sa mga kaibigan naman ni ate. Hindi talaga maalis sa kanila na hindi magpalamang sa mga taong nabibilang sa alta sosyedad sa aming baryo at sa buong bayan.

Napagkasunduan na sa malawak naming bakuran gagawin ang selebrasyon. Umupa pa sila ng banda o combo para tumugtog. Katapusan ng abril ang kaarawan ni ate kaya naman bago iyon ay lumuwas ulit sila ng pamilya ko kasama pati si kuya para magpatahi ng mga makabagong damit at makapag imbita si ate ng mga kaibigan niyang taga maynila. Gusto ko man sumama para naman makarating ako ng maynila ulit ay diko magawa dahil pagagalitan lang din nila ako.

Pero hindi malaking problema yun sa akin. Ok lang dahil makakapaglaro kami ng mga kaibigan ko.
.
.
.
.
.
Dumating nga ang araw ng kaarawan ng kapatid kong babae. Kinahapunan ito sisimulan at kaming lahat ay nakabihis ng maganda. Walang batang imbitado maliban sa akin, arman at salvacion dahil kilala naman sila at kapitbahay.

Unti-unting nagdatingan ang mga bisita nang hapong iyon. Maging sa aming bahay ay may mga bisitang doon na natulog mga kaibigan ni ate na galing maynila.

May ilang mga kaedad din si mama at papa na mga bisita. Maging magulang ng dalawa kong kaibigan ay naroon.

Napakaganda ni Ate at si kuya ang konsorte niya. Kaming tatlong magkakaibigan ay nasa isang sulok na nanonood ng mga kaganapan. Si ate ang bida siya ang tinitignan ng mga tao. Si mama at papa naman ay kuntodo pakitang tao sa lahat. Sa isang mesa sa hardin ay naroon ang lola ko, magulang ni arman at salvacion na nagkukuwentuhan. Kaming tatlo ay hindi mapirmi sa isang lugar. Lumalapit kami sa banda at sumasayaw sayaw pa sa gilid nito na hindi makakasagabal sa mga mas may edad sa amin.

Magarbo ang handaan na talagang pinaghandaan ng mga magulang ko. Dumadaan ang mga oras ay gabi na at ang iba ay umuuwi na rin. Umuwi na rin si salvacion at ang mga magulang nito at maging nga magulang at kapatid ni arman. Pero si arman ay nagpaiwan. Kaya kaming dalawa magkasama manood sa isang lugar. Tanggo, cha,cha,waltz, bodavil,swing at yung magkadikit ang mga katawan ng mga sumasayaw ang nakikita namin kaya natatawa kami ni arman.

" Emman apo, hindi ka pa ba matutulog?"

" Mayamaya na po lola, aakyat na lang po ako."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang