Chapter - 31

413 32 172
                                    

" Emman!"
.
.
.
" Agad kong tinignan ang tumawag sa akin mula sa gate namin."
.
.
.
" Arman?!"
.
.
.
" Nagaalangan man ako ay naglakad na lang ako palapit sa gate. Hindi pa rin nakakapagpalit ng damit ito. Pero kung pagmamasdan ang kanyang mukha ay tila wala namang galit dahil sa nangyari. Kundi ngiti na may bahid na lungkot ang matang nakatitig sa akin."
.
.
.
" Anong nangyari sayo? Akala ko nakauwi ka na....."

" Kadarating lang namin ni papa....sa parke sa bayan lang kami ni papa ng umalis ako kanina....nagusap lang kami.....pagdating dito....hinintay kita......gusto ko lang kasing makausap din kita."
.
.
.
" Natigilan ako.....bakit niya ako kakausapin, baka magtatanong din siya tungkol kay Olivia at Pablo. Kaya pinapasok ko na si Arman."

" Alam mo lolo.....sa tingin ko hindi lang tungkol kay Olivia ang gusto niyang malaman....nararamdaman ko na pati ang nangyayari sa pagkakaibigan ninyo....at ang oras na iyon marahil ang panahon para magkausap kayo."

" Hindi ko alam apo, kaya pinapasok ko na lang si Arman sa bahay....ipinagpaalam ko siya kay lola at pumayag naman....binilinan pa niya ang kasambahay na dalhan kami ng makakain......agad kaming umakyat sa pangalawang palapag at tahimik lang siya pagpasok sa silid ko."
.
.
.
" Upo ka muna diyan arman.....magpapalit lang ako ng damit.....ikaw dapat nagpalit ka na bago ka nagpunta dito."

" Maayos lang ako emman, huwag mo akong alalahanin."
.
.
.
" Nang kinuha ko ang damit ko na pambahay ay tila pinagmamasdan lang ako ni Arman....para siyang nagtataka kung bakit di pa ako naghubad at sa loob ng banyo ako nagpalit."

" Bakit pumasok ka pa ng banyo, dito ka na lang sana nagpalit."
.
.
.
" Bungad sa akin ni Arman paglabas ko ng banyo."
.
.
.
" Malagkit kasi pakiramdam ko kaya naligo na rin ako."
.
.
.
" Kumatok naman ang kasambahay namin at dinalhan kami ng makakain ni Arman. Agad itong nilantakan niya at walang imik na kumakain sa maliit kong mesa."

" Matakaw talaga ang kaibigan mo lolo."

" Oo....natawa nga ako kasi gutom na gutom siya."
.
.
.
" Hindi ka pa rin nagbabago arman.....matakaw ka pa rin.."
.
.
.
" Nakangiti kong pagpuna sa kanya."
.
.
.
" Nagutom kasi ako....hindi pa ako kumain kanina....salamat dito emman."
.
.
.
" Huwag mo akong alalahanin....kain ka lang....di naman ako nagugutom."
.
.
.
" Hayun nga ang daming nakain ng matakaw kong kaibigan. Hanggang sa binuksan ko ang bintana at hinawi ang kurtina.....sa pasamano ay doon kami umupo."
.
.
.
" Tapat na tapat talaga ang kuwarto natin Emman. Kung bukas pala ito na tiyempong hubot-hubad ka kitang-kita ko ang kabuuan mo."

" Loko ang bastos mo! Ikaw nga diyan istorbo ka eh! May nalalaman ka pang panggugulo ng flashlight mo!"

" Iyon kasi ang paraan ko para pansinin mo ako......"
.
.
.
" Natigilan ako....oo nga pala hindi ko na masyadong pinapansin ang kaibigan ko."
.
.
.
" Hindi naman sa ganun.....alam mo naman abala na tayo sa eskuwelahan....hindi na tayo bata at isa pa magtatapos na tayo....saka alam ko naman may iba ka na ring pinagkakaabalahan."
.
.
.
" Habang sinasabi ko yun kay arman ay nakatanaw ako sa harap sa bahay nila. Kita ko pa rin sa gilid ng aking mga mata na tila pinagmamasdan niya ako ng ilang segundo."

" Nakuuuu! Lolo baka crush ka na niya!"

" Loko ka!....hanggang sa tumingin na rin siya sa harap at saka nagsalit at umakbay sa akin."
.
.
.
" Alam mo emman......sobrang nanabik ako na sana balang araw bumalik tayo sa dati....miss na miss na kita emman."
.
.
.
" Hindi ako nakapagsalita agad....ako man ay sobra ko na siyang nami-miss."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now