Chapter - 3

795 43 27
                                    

Magdidilim na ng matapos si Daryll ng pag aayos ng mga gamit niya.

Bumaba siya para tignan ang kabahayan kapag madilim na.

Habang pababa ng hagdan ay napangiti siya dahil romantic ang ambiance sa may hagdan ay may malaking chandelier na umiilaw dito. Agad makikita ang nasa living rm kung pababa kana. Sa tapat naman ng living rm ay may nakatapat din na chandelier na dim light sapat para sa nanonood ng tv.

Nakita agad ni Darryl ang kuya niya na nanonood ng tv. Mahilig kasi itong manood ng mga balita dahil sa kurso nitong Pol. Sci. Ang ate naman niya ay Social Works ang kinuha katulad ng mama nila. Hindi ito tinutulan ng kanilang mga magulang dahil paglilingkod sa tao ang pagaaralan ng mga ito.

" Bunsoy tapos kana?"

" Tapos na kuya, sina mama?

" Nasa kitchen sila."

Sa kitchen ay nadatnan ni Darryl na naghahanda na ng hapunan ang mama nya kasambahay na si Manang Helen at Mona na anak nito.

" Mona tawagin mo ng tito at ate mo. Dean halika na dito dinner is ready."

Umupo na si Darryl at sumunod ang kuya niya. Ilang saglit lang ay bumaba na rin ang papa niya at sumunod si Dionne.

Habang naghahapunan ay pinagusapan na nila ang pagenroll ni Darryl sa bago nitong paaralan.

" Ma, yung Govt school po ang gusto ko tulad ng dati alam mo naman na ayoko sa pribado. Doon po kami ni mona mag aaral."

" Ano pa nga bang magagawa namin ng papa mo....kaya naman natin sa private. Kunsabagay maganda ang turo sa govt owned school mas marami kang makikilala dito at yung school dito ay maganda ang reputation."

" Opo ma, next wk samahan nyo na lang po kami ni mona para alam na namin ang school na yun sa bayan at saka malaman na namin mga sakayan."

" Bakit ayaw mo ba na hatid sundo ka ni manong omar mo?"

" Ma, third yr na ako hehehe....kelangan ko na rin tumayo sa sarili kong paa, transportation lang po yan. Pero pag minsan syempre papahatid o sundo pa rin kami. Syempre si papa ang priority sa kotse."

" Tawagin mo nga hon si mona."

" Mona tawag ka ng tito mo..."

Lumabas naman si mona mula sa kusina.

" Bakit po tito?..."

" May bakanteng rm pa sa katabing rm ni darryl sa tingin ko puwede ka doon. Si helen at omar na lang sa bahay sa likod. Para naman may kasama pa kami dito."

" Naku tito thank you po....masaya po ako para naman may matatanungan ako ng mga lessons sa school si Kuya Darryl."

" Hahaha si papa takot din pala!"

" Dean, baka gusto mo dito ka na lang mag aral para di ka na malayo sa amin, yung rm mo para naman magamit."

" Naku si papa! Alam mo daryll di yan takot sa momoo! Sa dugo nga hindi momoo pa!"

" Ganern kuya sabay kambyo! Umayos ka nga kuya baka pati ako di makapagaral sa Manila kagagawan mo."

" Kayong dalawa ha. Lalo ka na Dionne unang taon mo sa kolehiyo. Ayusin mo, natutuwa kami ng mama nyo na pareho kayong may scholarship ng kuya mo kaya galingan nyo. Gusto ko balang araw ay maging mga titulado kayo."

" Yes pa! Akong bahala diyan kay dionne susumbong ko sa inyo pag palaging gala!"

" Kayong dalawa ang pababantayan ko, makakasama nyo na ngayon sa bahay natin sa maynila ang pinsan ninyong si jenna at ang anak niya si Jiro na mag aaral na rin ng elementary. Alam nyo naman single parents sya kaya we need to help her."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now