Chapter - 59

406 30 57
                                    

Anim na araw ang naging burol at sa huling araw ay dinala na sa naging paaralan nila noong hs ang labi ng dalawa para iburol ng ilang oras bago ang libing. Iyon ay ang hininging pahintulot ng pamunuan ng paaralan at ng halos lahat ng estudyante.

Umaga ay dinala na nga ang labi at doon ay nagbigay respeto ang mga estudyanteng naroon. Batid nilang napakalaking bagay ang mga ginawa ni lolo manuel sa kanilang paaralan kaya nararapat lang na bigyan ng respeto sa huli. Sa isang malaking gym inilagay ang kabaong ng dalawa ng ilang oras...isang misa ang ginawa bago magtanghalian. At ng matapos ay hinintay na nila ang oras para dalhin ito sa simbahan sa bayan para sa misa at pagbendisyon.

Napakaraming tao ang sumama patungo ng simbahan mga sasakyan na sumusunod sa mga tao.

Sa simbahan ay puno na rin at sa unahang bahagi ay naroon lahat ng mga mahal sa buhay ng dalawang matanda.

Naging madamdamin ang pagalala ng lahat sa naging buhay ni lolo manuel at arman na karamihan ay kanilang mga kaibigan.

Sa dalawang pamilya napagpasyahang  isa na lang  ang magbigay pagalaala sa dalawa.....si Daryll.

Dala ang dalawang bote na ibinigay sa kanya ni lolo manuel ay ipinatong niya ito sa podiun. Maraming nagtaka kung ano ang dala ni Daryll at kung para saan.

" Magandang hapon po sa inyo. Ako po pala si Daryll Montealegre. Alam ko po na kilala nyo na ako at ang pamilya ko dahil sa naging laman ng mga balita sa diyaryo at telebisyon ang nangyari dito sa ating bayan. Nang mangyari po iyon ay sobrang takot ko at ng aking mga kaibigan ang aming naramdaman. Akala po namin ay iyon na ang aming mga huling sandali sa mundo.......ngunit hindi po pala dahil may mga bagay kaming matutuklasan doon. Mga bagay na may kinalaman sa buhay namin ng aking pamilya, mga katanungang matagal na panahong naghintay ng kasagutan..........Kilala nyo naman po si Lolo Manuel sa bayang ito di ba? Sinong hindi makakakilala sa isang taong napakabuti at walang hinangad na kapalit ang pagtulong. Sa mga kaedad ni lolo manuel at lolo arman na mga kaibigan nila.....alam nyo ang naging buhay nila noon pa man.....ngunit napakarami pala nilang pinagdaanan na hindi natin nalaman at sa nangyaring ito ay saka lang natin nalamang lahat. Itong bote na ito ay halos limampung taon nang nakabaon sa lupa. Si lolo manuel at lolo arman po ang may-ari nito. Ibinaon po nila ito noong sila ay 16 yrs old pa lang.  Simbolo ng kanilang pagiging matalik na magkaibigan.....at sa loob nito ay ang kapirasong sulat kung saan isinulat nila ang mga pangarap sa isat-isa at ang niloloob at tunay na damdaming nararamdaman. Sabi ni lolo ay basahin ko daw pag wala na siya at kung sakaling hindi na dumating ang kanyang kaibigan na kasama niyang nangako na sabay nilang babasahin ang mensahe ng isat-isa.........ngunit nangyari na nga po ito. Kung inakala nyo po na hindi ko alam ang nilalaman nito......nagkakamali po kayo....dahil kahit hindi ko nabasa ang nilalaman nito ay alam ko na.....nakasaad sa kapirasong papel na ito ang pagmamahalan nila na hindi nasabi sa isat-isa at naisakatuparan, pangarap na nagkaroon ng katuparan at kabiguan. Isa pong leksyon sa akin ang pangyayaring ito....hindi po pala kundi para sa ating lahat.....iyon ay ang kahalagahan ng pag-unawa sa kapwa, pag-intindi sa kanilang kakulangan, pagrespeto sa kung ano man ang kanilang pagkatao, paniniwala,  pagpapatawad at paghingi ng kapatawaran bago pa mahuli ang lahat."

Muling hinawakan ni Daryll ang dalawang bote at tinungo ang kanyang ama at ama ni lukas at may ibinulong. Tumayo naman ang mga ito at may mga nilapitan para buksan ang mga ataul.

Nang mabuksan ang mga ito ay inilagay ni Daryll sa loob ng kabaong ni lolo arman ang boteng may lamang sulat ni lolo manuel. Sa loob naman ng kabaong ni lolo manuel ay ang boteng may lamang sulat ni lolo arman.

" Lolo manuel, lolo arman......" Tuluyan ng bumagsak ang kinikimkim na luha ng binatilyo...katabi niya si lukas na agad siyang inakbayan at inalo sa likod. " Lolo manuel, lolo arman......hindi man ninyo naisakatuparan ang pangakong magbalik ng sabay para mabasa ang nilalaman ng mga boteng iyan noon.......ay alam kong sa lugar kung nasaan man kayo ay masasabi nyo na sa isat-isa ang lahat....walang hahadlang at walang huhusga........mami-miss ko kayo lolo.....mami-miss ko kayo ng sobra."

Natapos ang misa at inihatid na si Lolo Manuel at Lolo Arman sa hantungan ng kanilang mga labi.....ang lugar kung saan nagsilbi nilang kanlungan ng kanilang kabataan......ang burol.

Patungo sa burol ay tila nakikiayon ang makulimlim na panahon, mabining simoy ng hangin ngunit hindi umuulan at ang oras kung saan malapit ng magdapithapon.

Sa isang maliit na trak na nilagyan ng napakaraming bulaklak ay doon magkatabi ang kanilang kabaong sa ibabaw.

Maraming tao ang sumunod sa libing hanggang sa burol. Doon ay ipinaayos ng pamilya ang kubo at pina-gawan ng maliit na chapel sa tabi ng kubo. Sa pinagbaunan ng dalawang bote ay doon ilalagak ang labi ng dalawang lolo.....magkatabi ang kabaong.

Sa huling pagkakataon ay muling binuksan ang kabaong at nilagyan ng pamilya ng pabaong bulaklak. Ipinasok ni Daryll ang lumang bayolin ni lolo arman sa ataul nito at inilagay sa may gilid ." Lolo....tutugtugan mo nito si lolo manuel palagi ha?!"

Ipinasok naman ni Lukas ang diary ni lolo emman noong kabataan nito sa loob din ng kabaong nito. " Lolo manuel....hindi ko man alam ang lahat na nakasaad sa diary na ito ay alam kong kuwento ng buhay mo ang narito.....kuwentong nagbigay inspirasyon sa lahat."

Habang ibinababa ang kabaong ng dalawa ay maririnig ang tahimik na paghikbi ng pamilya...hanggang isa-isa nang inilawan ng sabay-sabay ang napakaraming fire lantern at pinalipad ang mga ito na tila magsisilbing ilaw sa paglalakbay ng dalawang kaluluwang patungo sa kabilang mundo. Nang maibaba ang ataul ay naghulog ng mga bulaklak at marahang tinabunan na ito ng lupa. Unang umalis ang pamilya dahil sa pagsunod sa pamahiin ng mga matatanda. Hanggang sa isa-isa ng nagsialisan ang mga tao sa papadilim ng oras na iyon.
Matapos matabunan ng tuluyan ay nilagyan ng semento at inilagay sa ibabaw ang isang malaking lapida.

Matapos matabunan ng tuluyan ay nilagyan ng semento at inilagay sa ibabaw ang isang malaking lapida

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Beyond Mind, Beyond Time and Beyond Space.
There are Soul's of the Second Mile

Emmanuel Montecillo
Born
December 25, 1950
Died
September 11, 2016
+

+++++++++++++

Armando Capistrano
Born
March 16, 1950
Died
September 11, 2016
----------------------------------

.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------
Sa buhay hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon o kaya pangalawang pagkakataon. Huwag po tayong susuko dahil marahil hindi pa natin panahon. Magsikap, magpursige at magsipag sa buhay. Dahil ang hinihintay nating pagkakataong mabago ang ating buhay ay darating....pero kapag naman tayo nabigo ay huwag mawalan ng pag-asa. Lakipan po natin palagi ng dasal ang ating buhay sa araw-araw.

------------------------------------------------------

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon