Chapter - 22

601 32 59
                                    

Lumipas ang mga araw ay naging magkakaibigan na rin si Salvacion, Emmanuel at Armando. Bagamat babae si salvacion ay malapit siya kay Emman dahil maliliit pa sila ay magkalaro na sila. Ang bahay ng pamilya ni Salvacion ay tatlong bahay ang pagitan mula sa bahay nina Arman. Tatlo silang magkakapatid at siya din ang bunso sa pamilyang katamtaman laman ang pamumuhay.

Nasanay na si Emman at Salvacion na silang dalawa ang magkalaro dahil bihirang makalabas ng bakuran si Emman. Kung makalabas man ay inaaway ito ng ilang bata na hindi nila kabatian. Hindi sila isinasali sa mga laro kaya madalas sa bakuran o loob ng nina Emman sila ni Salvacion naglalaro kapag may pagkakataon.

Salvacion's POV

Isang araw na lang darating na magulang ni Emman. Kaya kailangang palagi na kaming maglaro at saka malapit ng pasukan.

Kaya lang nakakainis si Arman...inaagawan niya ako ng kaibigan. Gusto niya palaging sila ni Emman maglaro eh lagi naman niya inaasar ang kaibigan ko. Ang kulit-kulit pa niya at ang takaw. Ah basta hindi niya maaagaw sakin ang kaibigan ko. Pupunta ako ng maaga kina arman at baka unahan na naman ako ni Arman makipaglaro kay Emman. Yayayain ko siyang magbike kami papuntang burol.

------------------------------------------------------
Sakay ng kanyang bisikleta ay nagmamadalaling nagpunta si Salvacion sa bahay ng mga Montecillo. Hindi nga siya nagkamali dahil mula sa gate ay kita niyang may pinagkakaabalahan si Emman at Arman. Nakita siya ng isang kasambahay at agad siyang pinapasok. Hila ang kanyang bisekleta ay itinabi niya ito. Saka siya tumakbo sa may bakuran na nalililiman ng mga punong mangga.

Agad nakita ni Emman ang tumatakbong si Salvacion." Salvacion halika dali! Tignan mo itong ginagawa namin ni Arman. Teleponong lata daw ito. Subukan natin mamaya kung magkakarinigan tayo kahit sa malayo."

Ngumiti si Arman kay Salvacion pero hindi ito gumanti ng ngiti

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ngumiti si Arman kay Salvacion pero hindi ito gumanti ng ngiti. " Ayoko niyan Emman, dala ko yung bike ko, halika magbike tayo, pag nandito na mama at papa mo siguradong hindi ka na makakapagbisekleta."

" Hayaan mo na muna Salvacion. Gusto ko munang matuto nito. Tapos pag nagawa namin, magbike na tayo papunta doon sa burol, papaalam tayo kay lola."

Agad natuwa si Salvacion sa sinabi ni Emman. " Yeheeeyyyy! Sige, may dala akong pagkain, kakain tayo dun."

" Wohooooo! Ayos yan! Bilisan na natin Emman ito telepono natin para makapunta tayo ng burol! Tsokolate ba dala mo Cion?!"

" Hindi Cion pangalan ko Salvacion! Hindi ka kasali sa dala kong pagkain, para sa amin ni emman lang yun, antakaw mo!"

" Damot netoh naman! Magkakaibigan at magkakalaro naman tayo ah." Pagtatampo ni Arman.

" Eh para saming dalawa lang dalawa! Magdala ka rin kung gusto mo!"

" Huwag na kayong mag-away Salvacion at Emman, magkakaibigan tayo. Ganito na lang hihingi ako ng pagkain kay lola para dagdag sa baon natin pagpunta muli ng burol."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now