Chapter - 27

413 29 65
                                    

Ang nasabing balita ay narinig ni Salvacion at sinabi niya sa akin habang naglalakad kami kasama si Alicia at Dominador na nagkakalapit si Arman at si Olivia. Isa naming kaklase na isa ring galing sa mayamang pamilya at sa bayan sila naninirahan. Maganda si Olivia ngunit hindi nakakaakit ng tulad ni Salvacion. Kaya alam naming may inis ito kay Salvacion maging sa amin, dahil palaging si Salvacion ang nakukuhang musa sa aming seksyon. Si Olivia Guevarra ang tipo ng tao na hindi mo mawari kung ano ang saloobin. Ngumingiti siya pero iba ang kahulugan niyon sa kanyang mga mata. Sabi ni Salvacion at Alicia isa daw itong mapagkunwari. Kung ang aking pamilya ay mataas ang tingin nila sa sarili sa aming lugar mas higit ang pamilya ni Olivia. Maraming may galit sa pamilya nila dahil sa pagiging mapagmataas at malupit sa mga tauhan nila sa kanilang mansyon at maging sa hacienda ng kanilang pamilya sa kabilang bayan ang Gumaca, Quezon.

Hindi na ako umimik at nagpatuloy kaming naglakad patungo sa silid aklatan.

Pagpasok ay agad kaming nagtungo sa Librarian para iwan ang aming mga library id's. Umikot na kami sa mga malalaking estante ng mga libro at sa isang panig noon kung saan naroon ang mga mesang ginagamit ng mga estudyante ay nabigla akong nakita doon si Arman. Katabi niya si Olivia at tila naguusap sila na nagngingitian. Hindi ko mawari ang aking naramdaman at naibagsak ko ang librong dala ko. Medyo malakas ang pagkabagsak nito kaya nakuha ko atensyon ng mga naroon. Agad dinampot ni Dominador ang libro. Napatingin sa gawi ko si Arman at Olivia. Kakaway sana si Arman ngunit mabilis na hinila ni Alicia at vacion ang bisig ko patungo sa mga estante ng libro sa kabilang panig. Nakasunod sa amin si dominador.

Sa pangyayaring iyon ay tila wala ako sa sarili. Wala akong ganang mag-aral habang nakaupo. Kaya pala hindi siya sumabay sa amin sa recess dahil may iba siyang kasabay. Pinipigilan ko ang sarili ko na maiyak. Ayokong magtaka mga makakakita. Hinimas ni Vacion ang likod ko na tila sinasabing huwag kang paapekto. Maging si Alicia ay hinawakan ako sa kamay at tinapik ako ni Dominador sa balikat.

Trenta minutos kami sa library at nang magsisimula na ang klase ay agad akong tumayo para lumabas na. Sumunod na ang tatlo kong kaibigan. Ngunit sa pagliko ko sa mga estante ay siyang pagsulpot ni Olivia. Bumagsak ang mga dala niyang libro na napasigaw pa.

" Ano ba yan Emmanuel! Ang laki mong tanga! Hindi ka ba marunong magdahan-dahan! Ang laki ng library sa dadaanan ko pa ikaw dumaan!"

Nabigla ako sa lakas ng boses nya. Maging ang mga kaibigan ko ay napatingin sa amin at mga estudyante. Si Arman naman ay lumuhod para pulutin ang mga nahulog na libro. Ngunit pinigilan ito ni Olivia.

" Hayaan mo nga siya Arman! Tanga eh! Matalino nga tanga at lampa naman nakakatawa!"

Sabay tawa ng malakas ni Olivia na hindi ko na lang pinansin. Dinampot ko ang mga libro at ibibigay ko na sana sa kanya.

" Narumihan iyan Emmanuel!Punasan mo kaya ng damit mo! Huwag ang panyo mo at baka madumi!"

" Kalabisan naman yata ang ipinapagawa mo kay Emman. Hindi na tama iyan." Pagpuna ni Arman kay Olivia.

" Hayaan mo na ako ito ang gusto ko!"

Hindi na lang ako umimik. Ipinahid ko ang mga libro sa harapan ng aking uniporme at ibinigay sa nakangising si Olivia.

Bigla na akong hinila ni Salvacion palabas ngunit may isang bagay na ginawa pala si Alicia. Pinatid niyang bigla si Olivia sa karamihan ng lumalabas at nasubsob ito sa semento. Kaya napasigaw ito ng bumagsak. Nagtawanan ang mga estudyanteng palabas at di na nalaman pa ni Olivia kung sino ang nakapatid sa kanya. Tawang-tawa na lang si Alicia at dominador habang papalayo kami.

Buong maghapon sa klase ay hindi ako umiimik. Pinagitnaan ako ni Vacion at Alicia. Alam ko sa gilid ng aking mata ay parang nakikita ko na tila gusto akong kausapin ni Arman ngunit hindi ko pinansin.

Uwian ay naglalakad na kami patungo sa sakayan. Napagpasyahan naming magtungo sa simbahan para magdasal. Sumabay sa amin si Arman at umakbay pa sa akin.

" San kayo pupunta?"

" Sa simbahan muna arman bago umuwi." Sagot ni Dominador.

" Ay ganun sige sasama ako!"

Ngunit habang papalabas na kami ng bakuran ng paaralan ay siyang paglabas ng sasakyang sumundo kay Olivia. Sakay nito ang dalawa pa naming kaklaseng babae na hindi rin namin kasundo.

Huminto ito sa gilid at bumaba si Olivia.

" Arman halika ka na sumabay ka na sa amin...pupunta ako sa bahay ni Verona. Di ba isang baryo lang kayo. Kaya halika ka na." Hinawakan pa ni Olivia ang kamay ni arman at hinila ito.

" Pasensya ka na Olivia, kasama ko kasi Sila. May pupuntahan lang kami ng aking mga kaibigan."

" Ano ba yan! Di ba kayo nagsasawang magkakasama! Magkakalapit naman bahay nyo!"

" Sige na arman sumama ka na sa kanya. Ipagdarasal ka na lang naming mapalayo sa kapahamakan dahil sa aming palagay ay napapalapit ka sa kapahamakan!" Nakangiting pahayag ni Salvacion na nakatingin kay Olivia na tila magliyab na ito sa inis sa patungkol na bagay na sinabi ni vacion. Alam ko naipit lang si Arman kaya wala siyang nagawa kaya sumama na lang siya kina Olivia. Bago sumakay pa si Olivia ay isang mala demonyong ngiti pa nito ang ipinukol sa amin. At saka na sila umalis.

" Kalandi talaga ng impaktang iyon! Sa aking palagay isa na naman si Arman sa nais niyang ibilang sa mga lalaki daw na nagustuhan siya at pagkatapos ididispatsa niya pero ang katotohanan siya itong hindi nagustuhan!" Hindi na ako umimik habang nagtatawanan ang tatlo kong kaibigan.

Sa Simbahan ay tamang-tama na nagsisimula na ang misa.

Alas singko y'medya natapos ang misa at agad na kaming sumakay sa trysikel pauwi ng aming baryo.

------------------------------------------------------
Nang gabing iyon ay hindi agad ako nakatulog. Naisip ko ang mga kaganapan. Si Arman at Olivia....nagkakamabutihan kaya sila....kung hindi pa man ay doon din marahil iyon papunta. Magandang lalaki si Arman at hindi man maitatanggi na maganda din si Olivia maski na iba ang awra nito dahil sa kagaspangan ng ugali. Maaring magkasundo sila dahil lalaki si arman at babae si Olivia.

Naluha ako sa alalahaning iyon....pinipigil ko man ay tila nakakaramdam ako ng ibayong lungkot.....nasasaktan ako dahil unti-unti ay may umaagaw sa akin kay arman ang matalik kong kaibigan na hindi ko alam kung hanggang saan ko dadalhin ang damdaming itinatago ko para sa kanya.

Tumayo ako at tinungo ko ang piano at tumugtog ako ng isang piyesa. Habang tumutugtog ako at nakapikit ay inaalala ko ang mukha ni arman na nakangiti sa akin.  Nang matapos akong tumugtog ay nanatili lang akong nakaupo. Hanggang sa may sinag akong nakita na tumatagos sa bintanang capiz ng aking kuwarto na nakasara. Nanatili akong nakaupo hanggang sa nawala ang sinag ng flashlight. Unti-unti ay narinig ko ang isang piyesa sa bayolin. Alam kong si Arman iyon. Tumayo ako at tinungo ang bintana. Ngunit ng itoy aking bubuksan ay napigilan ko ang aking sarili.......tama na ito ayoko ng saktan pa ang aking kalooban.....unti-unti ay iiwasan na muna kita arman....ayokong madamay ka sa akin kung sakaling kasuklaman ako ng aking pamilya at ng mga tao. Pumihit akong patalikod sa nakasarang bintana.Doon ay nanatili lang ako habang nakikinig sa musika ng aking matalik na kaibigan.

Nang matapos ito ay muling nakita ko ang sinag ng flashlight na tumatagos sa bintana. Lumapit na ako sa lamesita sa tabi ng aking higaan at hininaan ang ningas ng lampara na siyang ilaw ko sa aking silid sa pagtulog. Habang nakahiga ay tumatanglaw pa rin na paputol-putol ang sinag ng flashlight hanggang sa tumigil na ito.

Sana arman ay kahit anong mangyari sa ating buhay ay manatili tayong magkaibigan. Ayaw ko man pero ito ang nararapat para malaman ko talaga sa aking sarili ang damdaming meron ako sayo. Ayokong balang araw ay kamuhian mo ako.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now