Chapter - 45

437 33 243
                                    

Magandang araw po sa lahat ng silent and active readers, voters at ang ang nagko-comment sa cb at sa pm.

Nasa part na po tayo ng story na na susubok sa masayang buhay ni daryll at ng kanyang mga kaibigan.....may mga rebelasyong matutuklasan pa sa pag-usad ng kuwento.

Maraming salamat... AndrewDave_22 XenaArmenta yataiomni benedictG2 Torikara davinciboiVhonHyronBoquiren se7en2 E_L_I_A_H ronielyndelarosa jhadecalzada3 sumgue jhavril  spyeri annavi16 IamUnrequited MarRonQ NomerPadilla

Sa mga bagong followers na nagbabasa maraming salamat. Sa mga hindi nagbabasa...salamat pa rin :).

------------------------------------------------------
Madaling araw pa lang ay gising na si Benj.....hindi siya mapakali. Panay ang tingin niya sa cp naghihintay ng maaring tawag ng kanyang yaya noon pero wala hanggang sa nagliliwanag na kung saan iniimpake na niya mga gamiy. Alas sais ay nagpasya siyang bumaba at naabutan niya sa kusina si manang na maaga rin. Ilang saglit lang ay narinig niyang pababa ng hagdan si Lolo Manuel at dumiretso na sa kusina. Nagulat ito ng makitang naroon si Benj at nakadamit na tila may lakad. Si manang naman ay ipinagtimpla muna ng kape ang dalawa.

" Iho mukhang maaga ka yata ngayon?"

" Lolo.....kasi nakausap ko po ang yaya ko noon sa london....nasa Bicol po siya at inimbita po niya ako sa kanila....doon na daw po muna ako." Ayaw mang  magsinungaling ni Benj...pero kailangan.....hindi rin alam ng kanyang tito stephen at steven ang paglalayas na ginawa niya at maging ng kanyang lolo mario at lola nelia.....alam niya na hindi siya hahanapin ni Ivan pero mas mabuti ng handa siya....ayaw na niyang muli itong makita....nagsisimula pa lang siyang mamuhay na wala ito at di niya nakikita.

Sa narinig ay tila nagtaka ang matanda dahil wala naman itong nabanggit na yaya nito sa bicol.
" Biglaan naman yata yan iho.....paano mo nakausap ang yaya mo?"

" Ah eh....sa phone po tumawag po siya sa akin...nag msg po kasi ako kagabi sa kanya sa fb."

" Ganun ba.....alam mo ba ang lugar nila sa Bicol?"

" Opo....bale magtatawagan naman po kami...."

" Buweno kung yan ang pasya mo ay di na kita pipigilan....magingat ka na lang at tatawag ka sa amin ni Daryll pag may problema....tatawagan ko si Daryll baka gising na rin iyon at nang makapagpaalam ka."

" Sige po lolo kung maari po ay makaalis agad ako kasi malayo po ang bicol."

" Maraming bus na dumadaan sa bayan iho....mga bandang alas nuwebe o alas diyes ang malimit pagdaan nila mga umalis ng maynila ng madaling araw.....sasamahan na rin kita dahil dadalaw ako sa convenient store ko sa bayan."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now