Chapter - 35

365 33 29
                                    

" Lolo! Demonyo ang papa at kuya mo! Wala sila sa wastong pag-iisip! Grabe 15 yrs old ka lang noon, anong laban mo sa kanila, halos patayin ka nila base sa kuwento mo!"

" Tama apo....iba yung tingin ko sa kanila ng panahong iyon, para bang gusto talaga nila akong patayin........pagkatapos niyon ay hindi ko alam kung gaano katagal ako nawalan ng malay o nakatulog....pero isa lang natandaan ko napanaginipan ko si lola at lolo....kasama nila akong namamasyal sa plaza sa bayan, maliit pa ako sa tantya ko ay mga limang taon ang itsura ko doon......ipinagtataka ko lang ay mahamog ang lugar....may araw ngunit hindi mainit sa balat....mahamog ngunit hindi malamig....ipinagtaka ko rin dahil kami lang na tatlo ang nasa plaza walang ibang tao na makikita.....hanggang sa nakita ko na lang na iniwan na nila ako sa plaza habang nakasakay sa swing at hindi ako makababa dahil sa pag-ugoy nito.....nakita ko sumakay sila na magkasama sa isang trysikel hanggang sa naglaho ito....doon na ako sumigaw na umiiyak dahil naiwan ako."
.
.
.
" LOLAAAA! LOLOOOOO!"
.
.
.
" Nagising ako matapos akong sumigaw....doon ay muli kong naramdaman ang sakit sa aking katawan mula sa pambubugbog ni papa at kuya.....hilo pa ako at halos hindi ko maigalaw at maimulat ang mata ko....naaaninag ko si manang na umiiyak hawak ang aking kamay at alam kong nasa hospital ako......agad akong ineksamin ng doktor at narinig ko na kausap niya si manang na umiiyak pa rin.
.
.
.
" Iho.....ako si Doctor Verano, family doctor nyo ako....nandito ka sa hospital.....anong pakiramdam mo?"

" Masakit po ang buo kong katawan dok....hindi ko rin masyadong maimulat ang mata ko."

" May inenject na kaming gamot sayo iho para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo at para na rin hindi na lalong mamaga ang mga pasa mo sa katawan....matindi ang inabot mong bugbog sa katawan at mukha.....buti na lang hindi ka nagkaroon ng internal hemorrhage sa ulo at katawan. Tinahi din namin ang sugat sa may noo mo.....huwag kang magalala iho....walang mga bali sa katawan mo kailangan mo lang magpahinga....kakausapin ka rin ng psychiatrist baka nagkatrauma ka dahil magulang mo ang gumawa nito."

" Hindi po sina Eliza ang tunay niyang magulang dok! Si Corazon ang mama ni Emman!"
.
.
.
" Nabigla ang doktor sa sinabi ni manang....ipinagpatuloy na lang ng doktor ang pageksamin sa akin kasama ang isang nars....hanggang sa umalis na ito at hindi na nag-usisa dahil usaping pamilya ang nangyari."
.
.
.
" Anak.....ayos ka na ba?"

" Ok lang po manang....kaya ko ito..masakit pero ang mas masakit ay ang isiping bakit ginawa nila sa akin ito....ganun na ba ako kasama dahil lang sa aking pagkatao?! Manang ang sama nila!......kapatid ng tunay kong ina si mama pero parang hayop niya kung ituring ako."

" Anak.....huwag ka na munang magsalita baka makasama sayo....halos magdamag kang nakatulog at ngayon hapon na ulit....gusto kong malaman mo na padating na ang mama mo at asawa niya pati ang tito rodrigo mo.....alam na nila ito dahil kaninang umaga naglong-distance na ako sa maynila sa bahay ninyo doon....naroon na sila at paalis na nga papunta na dito.....dito ko sila pinadiretso....hindi ko pa sinasabi lahat....mamaya na lang..."

" Manang si Lola?"

" Ah eh....nasa labas ang mga kaibigan mo sandali ah...tatawagin ko."
.
.
.
"Agad nga na pumasok si vacion, alicia na umiiyak kasunod si ador. Bakas ang lungkot sa kanilang mga mukha.....hinihintay ko na may isa pang papasok ngunit nabigo ako....wala si arman.....hinayaan ko na lang.....hinawakan lang ng mga kaibigan ko ang mga kamay ko dahil sa mga pasa ko sa katawan at masakit....nagiyakan kami habang nag-uusap."
.
.
.
"Hayop sila emman! Demonyo! Wala silang karapatang gawin ito sayo! Pag nakita ko sila baka hindi ako makapagpigil! Kahit matanda sila papatulan ko sila!"

" Medyo maayos na ako vacion.....may karma ang diyos sa kanila....hindi hahayaan ng diyos ang kasamaan nila sa akin.......sa ngayon gusto kong ipanatag nyo ang kalooban ninyo....magiging maayos din ang lahat....pero gusto kong malaman nyo na bukas ay.......hindi na ako makakapunta sa pagtatapos natin......sa kalagayan ko ngayon ay mahirap na.....ipinagmamalaki ko kayong mga kaibigan ko sa kabila ng mga nangyayari sa akin hindi ninyo ako pinabayaan.......gusto ko sana vacion ikaw na ang magtalumpati ng ginawa ko para sa pagtatapos natin....para kahit wala ako doon maramdaman ng lahat na masaya ako para sa ating lahat na magtatapos."
.
.
.
" Apo....bakit ka umiiyak?"

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Onde as histórias ganham vida. Descobre agora