Chapter - 33

367 31 14
                                    

" Halos hindi ako makagalaw ng yakapin ako ni lola....isinara niya ang pintuan ng kanyang kuwarto at pinaupo niya ako sa kanyang kama habang hawak niya ang dalawang kamay ko....nakayuko lang ako na lumuluha....ayokong makita ang mukha niya na nagsasalita ng buong katotohanan sa aking tunay na pagkatao."

Halos napatakip naman sa kanyang bibig si Daryll sa rebelasyong sinabi ng matanda. Hindi na siya nakapagsalita sa pagkabigla. Alam niyang hindi maganda ang buhay ni lolo eman ng bata pa ito dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanya ng kanyang mga magulang. Ngunit wala ng sasakit sa siguro na malamang ang inakala mong pamilya ay hindi ka pala doon kabilang.

" So.....lolo ang tunay mong ina ay yung isang anak ng lola mo na akala mo ay tiyahin mo?"
.
.
.
" Apo.......patawarin mo ako sa ginawa kong paglilihim sayo ng lahat.....tama ang narinig mo....hindi si Eliza ang tunay mong ina, maging ang papa mo ay hindi mo siya ama....hindi kayo magkakadugo maging ng kuya at ate mo...."

" Pero lola.....paano pong nangyari iyon? Buong akala ko ay parte ako ng pamilyang ito....yun pala ay hindi.....lola kaya po pala ganun sila sa akin kasi hindi nila ako kadugo....sino po ba ang tunay kong pamilya at nasaan sila?.....lola kung gayon po ay hindi kayo ang tunay kong lola?"
.
.
.
" Ngumiti lang si lola habang pinapahid ang luha ko sa pisngi."
.
.
.
" Emmanuel.....apo....alam ko na ito na ang tamang panahon para malaman mo ang lahat....alam ko na maunawain kang bata at maiintindihan mo ang lahat..."

" Anong ibig nyo pong sabihin lola?"

" Ang Anak kong si Corazon na inakala mong tiyahin sa ibang bansa ang tunay mong ina....Siya ang pangatlo kong anak. Si Soledad na isang Madre ang panganay, ang mama mo, si Corazon at si Rodrigo na isang inhenyero na nasa ibang bansa din ang bunso ko.....ang mama mo ay isang Nars noong nandito pa siya sa Pilipinas....panahon ng pangalawang digmaan ay isa ng Nars ang mama mo....isa siya sa mga Pilipinong Nars noon na nanggamot at nag-alaga ng mga sundalong pilipino at amerkano sa panahon ng giyera......sa Baguio siya noon ng biglang sumiklab ang digmaan....matagal kami walang balita sa mama mo noon....hanggang sa may natanggap kami ng balita pagkalipas ng dalawang taon na maayos ang lagay ng mama mo....nasa isang lugar daw siya na malayo at hindi alam ng mga hapon....masaya kami na maski hindi namin siya makita ay buhay siya dahil sa liham na nakarating sa amin.....1945 ng matapos ang digmaan at lahat ay tila nagsisimula ulit ng pamumuhay ng mga Pilipino....Unti-unting bumangon ang Pilipinas ng mga sumunod na taon....hanggang sa nakilala ng mama mo ang papa mo na isang sundalong amerikano."

" Isang sundalong amerikano po ang papa ko?"

" Oo apo....isa siya sa mga sundalong amerikano nakaligtas noon sa digmaan....hindi siya agad bumalik sa amerika ng matapos ang giyera....nanatili siya sa dito sa Pilipinas at sa Maynila doon na sila nagkakilala ng papa mo. Nakilala namin siya noon ng lolo mo ng minsang pumunta kami sa bahay na naipatayo namin doon pagkatapos ng giyera....nagpakasal sila sa sibil noong 1949 at 1950 ka na ipinagbuntis ng mama mo....Disyembre 25, 1950 ikaw ay ipinanganak sa Maynila.....andun ako apo sa hospital pati ang lolo mo....si manang ang naging tagapangalaga ninyo ng mama mo sa panahong iyon."

" Ha? Bakit po si manang?"

" Naglahong bigla ang papa mo bago pa man lumaki ang tiyan ng mama mo.....hanggang nakarating ang balita sa mama mo na nakabalik na pala ito ng Amerika at ang masaklap ay meron na itong pamilya doon.....sobrang sakit ng pangyayaring iyon sa mama mo dahil mahal na mahal niya ang papa mo.....pero apo...mahal na mahal ka ng mama mo sa kabila ng pag-alis ng papa mo."

" Hindi na po ba siya bumalik dito sa Pilipinas?"

" Hindi na apo....Tatlong buwan matapos kang mailuwal ng mama mo ay bigla na lang siyang umalis....ang tanging sinabi niya sa sulat ay hahanapin niya sa Ameriks ang papa mo....ibinilin ka niya sa amin at kami na daw muna bahala sayo.....Ngunit mag iisang taon ka na ay wala na kaming balita sa mama mo....hanggang sa napagpasyahan namin ng lolo mo na pabinyagan ka na....ayaw naming lumaki kang walang kikilalaning mga magulang at pamilya....gusto namin ng lolo mo na mayroon kang kikilalaning pamilya sa iyong paglaki."

" Kaya po ba si mama ang kinagisnan kong ina?"

" Kinausap namin siya pati ang papa mo....kinumbinsi na sila na lang ang tatayong magulang mo dahil inakala namin inabandona ka na ng mama mo....wala kaming naging balita sa kanya....ayaw sana nila dahil may anak na sila ang kuya at ate mo...namatay pa yung bunso....sa pakiusap namin ay napapayag na din sila....kaya lumaki kang sila ang kinilala mong magulang.....patawarin mo ako apo.....kung sa panahon na bata ka pa ay hindi kita lubusang maipagtanggol sa mama at papa mo....palagi nilang sinasabi sa akin kapag kinakampihan kita na sasabihin sayo ang lahat."

" Naiintindihan ko na po kayo lola...ayaw nyo lang po akong masaktan kaya ginawa ninyo iyon....pero lola ang sakit lang po....maski ganun po si mama, papa,kuya at ate sa akin....mahal ko po sila."

" Alam ko iyon apo....napakabuti mong bata at likas sayo ang hindi magtanim ng galit sa kapuwa..."

" Lola....may larawan po ba kayo ng tunay kong ama?"

" Meron apo....noong magkasama pa sila ng mama mo....sandali at kukunin ko."
.
.
.
" Nang makita ko ang larawan ng tunay kong mga magulang ay muling bumuhos ang luha ko....hawig pala ako sa papa ko."

" Sabi ko na nga ba lolo eh! May halo ka, mestiso ka nung bata ka at hanggang ngayon ay nakikita."

" Nang hapong iyon apo ay nalaman ko na ang lahat mula sa lola ko....masaya kaming naghapunang dalawa dahil wala ang kinilala kong magulang nasa sugalan na naman daw ang mga ito.....sinabi din ni lola sa akin na sabik na si mama na umuwi para magpakilala sa akin sa pagtatapos ko at sobrang ipinagmamalaki daw ako nito....kaya nangako ang lola ko na kinabukasan ay pupunta kami ng bayan para mag overseas call sa mama ko sa amerika.....tuwang-tuwa ako nun."

" Teka lo......eh ang papa ninyo? Hindi ba siya uuwi? Hindi ba natagpuan ng mama mo siya doon?"

" Sabi ni lola noon pati na rin ng magkita na nga kami ni mama ay natagpuan niya daw ito......ngunit totoo ang balitang may asawa na ito at dalawang anak doon....ipinagtabuyan daw si mama at matagal na panahon niyang dinamdam iyon.....pero matapang daw ang mama ko...gyera nga nalagpasan niya....nagtrabaho siya doon at muling nakapangasawa ng isang Pilipino/ Amerikanong doktor. Sabi ng mama ko ay limang taon na ako noon ng muli siyang mag-asawa...pero sa panahong iyon ay ako daw palagi ang nasa isip niya.....lalo pa at hindi sila nabiyayaan ng anak....mabait at mapagmahal ang asawa ni mama noong nakilala ko ito ng umuwi sila dito."

" Pero lo, di ba nagkaroon ulit ng komunikasyon ang mama mo dito sa Pilipinas bago matagpuan ito ng tiyuhin mong nasa amerika din?"

" Si tiyo Rodrigo doon siya sa amerika nagtapos ng kolehiyo at nakapagtrabaho at nakapagasawa....sa panahong iyon hanap na siya ng hanap kay mama at matagal nga niya ito nahanap.....iyon ay kung saan nalalapit na ako magtapos ng sekondarya."

" Grabe talaga 15 yrs!"

" Naibsan ang lungkot ko noon lalo ng magkausap na nga kami ng tunay kong ina sa telepono....iyak ng kami ng iyak habang nag-uusap...wala akong galit sa mama ko kundi ang pananabik na makita na siya at makasama....sobrang saya ko noon at agad ko itong ikinuwento sa mga kaibigan ko ng araw na iyon.....nagulat sila lalo na si Arman pero tuwang-tuwa sila sa akin."

" Maging ako man lo ay matutuwa talaga....pero lo anong reaksyon ng kinilala mong magulang?"

" Wala lang sa kanila iyon....pero narinig ko ng gabing iyon na kinakausap ni lola si mama at papa....nagagalit si lola dahil sa lulong na sa sugal ang kinikilala kong magulang....wala na rin palang trabaho si papa sa munisipyo dahil natanggal ito. Maging ang negosyo ni papa na galing sa magulang nito ay pabagsak.....mataas ang boses ni mama maski pinagsasabihan na siya ni lola....lalo pa itong nagalit ng sabihan ni lola ng..." sobra kang makadiyos noon Eliza anong nangyari sayo at pera at sugal na ang diyos mo ngayon?".....kaya nagalit sila kay lola noon."

" Tama naman lo ang lola mo eh!Naging adik sa sugal ang kinilala mong magulang!"

" Nalungkot ako sa narinig ko pero pilit ko itong inalis sa aking isipan, dahil ang nasa isip ko na nagpapasaya sa akin ay ang nalalapit na pagkikita namin ng aking tunay na ina..........ngunit dalawang araw bago ang pagtatapos ko sa sekondarya ay naganap ang isang bagay na ni sa panaginip ay hindi ko napanaginipan. Mas masakit pa sa katotohanang hindi ako anak ng kinikilala kong magulang at sa pamamahiya sa akin ni Olivia sa aking pagkatao ng araw na iyon na hinding-hindi ko makakalimutan."
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now