Chapter - 11

583 35 243
                                    

Dumaan ang mga araw at lahat ng dapat ayusin sa pagpasok ni Daryll at mona sa bagong paaralan nila ay naayos na. Maging uniporme ay mayroon na sila. Pero ang unang linggo ng pasukan ay civilian clothes pa muna.

Hanggang sa sumapit ang araw ng lunes at maagang nagising si Daryll. Inihanda niya ang susuuting damit sa kanyang cabinet at naligo na. Nang matapos makapagayos ay masaya itong bumaba at sa dining agad tumuloy. Nadatnan niyang naghahanda na ng almusal si Manang Helen at Mona kung saan handa na rin sa pagpasok.

Agad umupo si Daryll at siya namang pagbaba ng kanyang papa at mama.

" Ma, aalis din kayo?"

" Oo anak, sasabay na ako sa inyo. Pupunta ako sa DSWD sa bayan. Alam mo na maski na NGO ang work ko, need pa rin ng coordination sa DSWD para sa mga projects ng aming organization."

" Ah....sige po kain na tayo. Excited na ako pumasok." Mahinang tawa ni Daryll.

" Mukhang may gusto kang makita agad sa school nyo anak ah?" Nakangiting tanong ng papa ni Daryll.

" Oo naman siyempre mga bago kong classmate at mga kaibigan."

" Talaga anak? Wala ng iba?"

" Si papa, baliw na naman ang aga-aga. Nang-iintriga ang tono ng pananalita."

" Wala akong ibig sabihin ikaw lang nagiisip ng ganyan." Nakangiting pahayag ng papa ni Daryll."

Bago mag-alas siyete ay tumulak na sila papuntang bayan. Si manong omar ang nagmaneho at unang ibinaba sa school ang dalawa, sumunod si Berna sa opisina ng DSWD at saka na sila tumuloy sa Hospital.

Marami agad ang nakapansin kay Daryll dahil sa porma nito. Agad niyang tinungo ang puwesto ng mga junior sa quadrangle at si mona naman sa mga freshmen.

Nakita si Daryll ni Lexi at Kiro at agad siyang tinawag at lumapit na siya sa mga ito. Nakangiti naman ang ilang mga kaklase niya dahil sa pila kasama ng mga kaibigan niya. Agad siyang pumila kasama si Kiro, naroon na rin si Ybonne, at si Ali. Hanggang sa may bumangga sa likod niya kaya napaabante siya ng konti. Nang lingunin niya ito ay walang iba kundi si Lucas.

 Nang lingunin niya ito ay walang iba kundi si Lucas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" Wohoooo buti di ako na late!" Sabay halakhak nito.

Napasimangot na lang si Daryll at muling humarap.

Nagsalita muna ang principal bilang pag welcome sa mga freshmen at mga transferee.

Nang matapos ay nag- flag ceremony at saka na kanya-kanyang punta sa classroom.

Sa loob ng classroom ay naunang pumasok ang grupo ni Lucas na maiingay. Sunod-sunod naman ang mga iba pang estudyante at si Daryll at mga kaibigan niya. Pagpasok ni Daryll ay muli siyang tinignan ng mga kaklase niya na nakangiti. Ngiting pang asar naman ang ipinukol sa kanya ni Lucas kaya hindi na lang niya ulit pinansin. Sa bandang likuran siya umupo kasunod ng mga kaibigan. Ngunit ng uupo na siya sa isang silya ay siya namang pagtaas ng paa ni lucas sa uupuan niya na nakangising tumingin pa sa kanya. Sa inis hinila niya bigla ang silya at bumagsak na malakas ang mga paa nito.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now