Chapter - 9

655 38 101
                                    


Enrollment day ay maagang nagising si Daryll. Sakay ng van kung saan si manong omar naghatid sa kanila. Kasama ang kanyang mama at si mona ay nagtungo na sila sa pinakamalaking pampublikong paaralan sa bayan.

" Mukhang excited ka anak? Poging-pogi tayo sa porma ah." Nakangiting puna ni Berna sa anak.

" Siyempre ma, bagong school, bagong environment at mga kaibigan." Nakangiti ring pahayag ni Daryll.

" Ayusin nyo pag-aaral ninyong dalawa ha....ikaw mona, first yr hs ka na. Dapat tulad ng dati ay pagbutihin mo."

" Opo tita."

Nagpatuloy ang biyahe nila at pagkalipas ng halos sampung minuto narating nila ang naturang paaralan. Pumasok ang sasakyan sa loob at naghanap ng parking area. Bumaba na ang tatlo at naiwan si manong omar.

Agad iginala ni Daryll ang paningin sa kabuuan ng paaralan. Napangiti siya dahil malawak ito may mga building na sa tingin niya ay mga bago at moderno na din. Malawak ang field para sa pagdarausan ng anumang event or activities ng paaralan.

Tuloy-tuloy silang naglakad at nagtungo sila sa opisina ng principal ng paaralan at kinausap ito.

" Mrs. Montealegre...impressive ang record ng dalawang bata and im so thankfull na dito ninyo napiling pag-aralin sila."

" Salamat po mam....alam ko po na maganda ang reputasyon ng school na ito noon pa man."

" But...Mrs... Gusto ko pong ipaalam sa inyo na dapat po before enrollment ay nakapunta na sana kayo dito para nakapagexam sila...kailangan pong dumaan pa rin sila sa proseso katulad ng mga estudyante dito."

" Ano pong gagawin namin mam?"

" Well madali lang naman....bibigyan ko sila ng special exam ngayon mismo, at kung makapasa sila ay makakapagenroll na sila."

" Naku thank you po mam!"

" But before that gusto ko pong malaman kung may special skills ang dalawang bata.

" Ang anak ko po si Daryll ay inclined sa music. He knows piano, guitar, cello and nagaaral na rin siya ng violin. Academically sa dati niyang school ay top 2 po siya. Si Mona naman ay although wala siyang special skills but she's on top sa graduating class niya."

" Very nice Mrs....Si Daryll po if makapasa sa exam ay kailangan mag audition siya para makapasok sa Star Section. Ang star section po ay 4 sections ito. Section A and B ay sila ang mga students na academically magagaling at may mga special skills sa Arts, Music and Sports. Ang Star Section B and C ay sila ang mga sa academic lang nangunguna. If makapasa si Daryll sa audition maari siyang makapasok sa A or B section." Napatingin ang principal na nakangiti kay Daryll. " Kaya mo ba yun iho?"

" Mam kakayanin po..."

" Very good! Now magtake na muna kayo ng exams ni mona sa silid na yun. Ipapaasikaso ko kayo sa secretary ko. It takes
1 1/2 hrs lang naman ang special exam na ito."

Agad tumayo si Daryll at mona ng lumapit sa kanila ang secretary ng principal at dinala sila sa isang silid sa loob din mismo ng opisina. Naiwang nagusap at nagkuwentuhan muna ang principal at mama ni Daryll. Marami silang napagkuwentuhan mga bagay tungkol sa paaralan at sa konting impormasyon sa pamilyang Montealegre.

Hindi nga nagtagal at wala pang itinakdang oras ay natapos na si Daryll at mona ng kanilang exam at nakangiting lumabas sa silid na nakangiti. Umupong muli sa isang sofa sa harap ng principal at ni Berna na naguusap pa rin. Ang sekretarya naman ay nagsimula ng tsekin ang exam ng dalawang bata.

" How's your exam mga anak? Nahirapan ba kayo?" Tanong ng principal.

" Ok lang po mam...napagaralan ko naman po yung laman ng exams. Yung iba naman po ay sinugurado ko na magiging tama ang sagot ko." Nakangiting pahayag ni mona.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon