Chapter - 25

453 28 57
                                    

" Dios na mahabagin! Anong ginagawa ninyong dalawa?!!"

Nagulat ako na hindi pa nakatayo agad sa pagkadagan kay Arman. Si lola pala ang biglang pumasok sa aking silid.

Agad na akong tumayo at inayos ang aking sarili.

" Lola bakit po?"

" Bakit kayo nagyayakapan diyan at nakayakap ka pa arman kay emman?"

Hindi ko mawari ang ibig ipakahulugan ng tanong ni lola maging ang kanyang palipat-lipat ng tingin sa amin. Hanggang si Arman na ang sumagot.

" Lola flora, tinuturuan ko po kasi si emman sumayaw ng ibat-ibang sayaw. Tapos nung sweet na ay natumba po kami at nahapit ko siya kaya napadagan siya sa akin."

" Opo lola....ang sagwa po ng sweet ayoko sana kaso mapilit si Arman. Para daw po alam na namin ibat-ibang sayaw lalo na ang sweet para daw kung magkanobya na kami ay......"

Bigla na lang tinakpan ni Arman ang bibig ko.

" Wala po yun lola flora....biro lang po yun....gusto ko lang po turuan si emman sumayaw."

" Mga batang ito at kung ano-ano ginagawa. Kebabata nyo pa nobya na ang pinaguusapan ninyo."

" Si arman lang po lola! Ayoko po magkanobya!"

" Apo.....darating ang araw magkakanobya ka.....magmamahal ka ng isang tao na mamahalin ka rin na maaring siya ang makasama mo habambuhay."

" Ay basta po....di po ako magnonobya."

Kakamot-kamot naman ng ulo na nagtanong si Arman sa akin.

" Anlabo mo naman emman....syempre magkakanobya ka kasi lalaki ka, baka nobyo gusto mo ano?!"

" Heh! Ansama mo! Lola si Arman inaasar ako!"

" Ikaw kasi eh! Ayaw ng nobya!tsk!"

" Mga batang ito talaga. Pag nagbinata na kayo saka ninyo pag-usapan ang mga bagay na iyan."

Nang biglang pumasok ang aming kasambahay.

" Senyora.....nariyan na po sa baba ang kasambahay ng mga Capistrano. Ipinapatawag na daw po si Arman."

" O iho ipinapatawag ka na daw."

" Sige po lola.....salamat po ng marami. Emman magpraktis ka pa ng sweet para hindi mo madaganan ang nobyo este ang nobya mo." Sabay mano ni Arman kay lola at tumakbo na pababa. Hindi na ako nakakibo, balak ko pa sana siyang habulin at batukan. Ngunit napatingin na nakangiti na napailing si lola kaya umupo na lang ako sa kama. Ibinaba ng kasambahay namin ang pinagkainan namin ni arman pero si lola ay naiwan pa rin at tumabi sa aking pagkakaupo sa kama.

" Palagi ka bang inaasar ni Arman apo?" Nakangiting tanong ni lola.

" Opo....ganun po talaga yun palabiro lagi nga po sila nag aaway ni Salvacion nagaasaran."

" Ganun ba....huwag sana kayong magkakasakitan o magkakapikunan."

" Opo lola."

Tumayo si lola at nagtungo sa bintana at dumungaw sa mga sumasayaw.

" Apo......halika dito..."

Agad akong lumapit kay lola sa may bintana.

" Gusto mo ba talagang matutong sumayaw?"

" Opo lola para hindi na ako asarin ni Arman."

" Sige....ganito ang sasayawin natin ay ang isinasayaw namin ng lolo mo noong panahon sa mga sayawan.....sweet ang tawag dito yung sinasabi ni arman."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now