Chapter - 36

394 32 39
                                    

" Gabi na nang makarating kami sa bahay.....sa gate pa lang papasok ang sasakyan namin ay kita na ang kalungkutan kaya umiiyak na kami ni mama.....sa labas ng bahay at balkonahe ay maraming tao....may mga inilatag na mga sisilungan ang mga tao....may mga mesa at upuan....pagbaba ko pa lang ay agad sumalubong sa akin ang tatlo kong kaibigan....muli akong pinaupo ni Tito Henry sa wheelchair at siya ang nagtulak nito papasok ng bahay.....kasunod si mama na kausap ni tiyo rodrigo at tiya soledad....nilapitan ako ng pinsan kong si Celinda at niyakap.....malungkot, napakalungkot na makita ko ang malungkot na mukha ng mga taong naroon. Mga kaibigan, kapitbahay, at ilang mga tauhan ni lola sa mga lupain nito at mga negosyo.....sa isang panig ng aming malaking sala ay nakita ko doon ang puting kabaong.....maraming ilaw sa paligid at mga bulaklak...."
.
.
.
" Are you ok son?"

" Yes tito.....gusto ko pong lumapit na kay lola."
.
.
.
" Dahan-dahang itinulak ni tito ang wheelchair ko.....pero mas nauna ng naglakad si mama na sige na ang iyak...inaalalayan siya ng kanyang dalawang kapatid....agad niyakap ni mama ang ataul ni lola ....walang lumalabas na salita sa kanyang bibig kundi umiiyak lamang siya....inilapit ako doon ni tito henry at inalalayan niya akong makatayo sa tabi ni mama.....agad yumakap sakin si mama ng dumungaw na ako sa kabaong ni lola kung saan halos mabasag na ang salamin sa paghawak ko dito...."
.
.
.
" Lolaaaaaaa! Lolaaaaa!"
.
.
.
" Sigaw ko noon.......wala akong ibang masabing salita....kita ko ang payapang mukha ni lola na parang tulog lang....sa kamay niya ay may rosaryo.....iyak na lang ako ng iyak hanggang sa muli akong umupo sa wheelchair. Nanatili lang sa harap noon si mama at mga kapatid niya....hanggang sa biglang may naglagay sa kandungan ko ng aking talaarawan....ang aking kinagisnang ina na hindi ko man lang nakitaan ng pag-aalala sa akin sa kabila ng nakita niyang kalagayan ko....tinignan lang niya ako na tila hindi kilala....saka nagsalita..."
.
.
.
" Mabuti naman nakarating ka na Corazon! Nakonsyensya ka na ba sa pag-abandona mo sa anak mo o gusto mong kunin ang parte mo sa pamilyang ito?! Ang galing mo rin ano? Nawala ng labinlimang taon tapos biglang lulutang sa harap ng pamilyang ito! Kunsabagay tama lang naman para magsama na kayo ng anak mo! Nakakahiyang isang tulad niya ang mapabilang sa pamilya ko!"
.
.
.
" Hindi noon nakaharap sa kanya ang tunay kong ina.....kaya ng matapos magsalita ito ay dahan-dahan humarap at humakbang sa harap niya si mama......magasawang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kinagisnan kong ina...halos mabingi ito at matumba sa pagkabigla....nakita ko pa lumapit si ate at kuya sa kanya.."
.
.
.
" Huwag kayong magbabalak na lumaban sa akin dahil hindi ninyo ako kilala! Itong ina nyo ay hayop demonyo! Pati ang ama ninyo! At kayo man ay may pinagmanahan!"
.
.
.
" Sigaw ni mama sa kuya at ate ko....hindi nila akalain na ganun katapang si mama.....lumapit bigla ang kinagisnan kong ina kay mama para sampalin din ito pero nahablot ni mama ang kamay nito at isang malakas na sampal ang nagpatumba na sa kanya."
.
.
.
" Hindi lang yan ang aabutin mo sa akin Eliza kulang pa yan sa pagmamaltrato nyo sa anak ko at pagpatay kay mama! Kayo ang dahilan ng pagkamatay niya! Kaya hindi ko kayo mapapatawad!"

" Tarantada ka corazon! Ang anak mong alanganin ang dahilan kung bakit namatay si mama! Nakakahiya siya sa pamilyang ito!"

" Nakakahiya???! Nakakahiya ba kamo sa pamilyang ito Eliza???! Alin ang mas nakakahiya? Ang anak ko o ang isang tulad mong hindi parte ng pamilyang ito pero kung umasta ay akala mo ay tunay na anak ni mama?!"
.
.
.
" Nagulat ako sa narinig na sinabi ni mama....maging ang mga naroon...pinigilan ni tiya soledad si mama pero hindi ito nagpapigil."
.
.
.
" Mga bata pa tayo noon nina ate soledad, pero ikaw itong sobrang makapapel sa pamilyang ito na parang  isa sa amin na tunay na mga anak! Alam mong hindi ka tunay na anak ni papa at mama pero kung makaasta ka ay isa ka! Pero hinayaan lang namin dahil marahil sabik ka sa pamilyang ni minsay hindi mo naranasang magkaroon! Pero abusada ka Eliza! Akala mo ba hindi namin malalaman mga plano ninyong mag-asawa?! Nagkakamali ka! Lulong kayong mag-asawa sa sugal! Wala ng trabaho ang asawa mo, bagsak pa ang negosyo niya! Saan kayo pupulutin?! Nakakahiya eliza, nakakahiya na ang isang tulad mong mapagmataas at isang pekeng Arguelles ay naghihirap na!"

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Место, где живут истории. Откройте их для себя